Matapos ang pag-uusap nila Vangie ay inalam na niya ang tungkol kay Bert. Kinausap niya si Banjo at tinanong ito. Nagpa-deliver kasi ito no’ng araw na iyon at hindi nito kasama si Bert. Kaya nabigyan siya ng pagkakataon na interview-hin si Banjo. Katatapos lang maghakot ang mga ito sa kanyang mga pinamili at nakatayo sila sa may gate niya. Binigyan na niya ang mga ito ng maiinom. “Oo, ate. Maglilimang taon na ata ang nakalipas,” tugon ni Banjo sa tanong ni Vangie pagkatapos sumipsip sa softdrinks niya. Tagaktak ang pawis niya kaya panay ang pagpupunas niya sa kanyang noo. “Kaya nga po iyan iniuwe rito para makalimot. Medyo napariwara kasi ‘yan.” Bahagyang napataas ang kilay ni Vangie. “Ganoon ba? Kasal ba sila?” tanong niyang muli. Para sa kanya ay mahirap na kung magkakaroon siya ng ka

