Chapter 2: Bert

1922 Words
Kumunot ang noo ni Evangeline. Parang biglang nag-loading ang utak niya sa sinabi ng lalaking nasa kanyang harapan. “Hindi naman nasabi sa akin na maganda pala ang de-deliver-an namin.” Nalilito siyang tumingin dito. Hindi niya alam kung seryoso ba ito sa sinasabi nito o binobola lamang siya. Papaano kasi, halos umabot na sa tainga ang labi nito dahil sa lapad ng mga ngiti nito. Tapos kung tumingin pa ito sa kanya ay para itong nanunudyo. Hindi naman sa kanya bago ang mga papuri. Kahit kasi kwarenta y dos anyos na siya ay mababakas pa rin talaga ang kagandahan sa kanyang mukha na hugis puso. Mas bumata pa siya tingnan dahil sa gupit niyang hanggang taas ng kanyang balikat. Sabi pa nga sa kanya ng mga kakilala niya, kahit itabi siya sa mga dalaga sa kanilang barangay ay mas mapapansin siya. Hindi naman niya iyon itatanggi dahil bago siya mabuntis ng kanyang dating asawa noon ay siya ang pambato ng eskwelahan nila sa patimpalak ng pagpapaganda. Kahit kasi nanganak na siya ng lima ay hindi siya tumaba. Kahit hindi siya nakagagamit ng mga pampaganda ay natural na makinis ang kanyang morenang balat. Lumunok siya ng laway at nag-iwas dito ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay kumislot ang kanyang puso dahil sa mga papuri nito. Sanay na siya sa mga papuri kahit yung iba ay binobola na lamang siya. Pero noong ito ang nagsabi ay bigla siyang nakaramdam ng kilig. Magkagayon pa man ay tinaasan niya pa rin ito ng kilay. Bago pa lang kasi sa kanyang paningin ang lalaki. “Sino ka? Bago ka?” mataray niyang tanong dito. “Ate Vangie!” Napalingon siya sa lalaking papalapit sa kanila. “Sino ‘to, Banjo?” tanong niya kay Banjo nang makalapit ito. “Hmm… interested ka na sa akin agad ha?” tanong ng lalaki habang hinihimas ang baba. Ang nakataas niyang kilay kanina ay nagsalubong na ngayon. “Hijo. Maghunos-dili ka ha?” Napangiwi si Banjo. “’Lika na, Bert,” bulong nito sa lalaki pero narinig pa rin niya. Sa tagal na kasing nagde-deliver ni Banjo sa kanya ay alam na nito ang ugali niya. Ayaw na ayaw niya ng hindi siya ginagalang ng mga ito. “Sige po, ate. Kuhain na po namin ang mga order mo.” Bahagya nang hinila ni Banjo si Bert ngunit hindi ito nagpatinag at nanatili lamang sa kanyang kinatatayuan. “Teka lang naman, Banjo,” angal nito. “Bakit kasi ‘di mo sinabi sa akin na may maganda pala rito? Edi sana nakabihis ako ng maayos, ‘di ba?” Napaikot niya ang kanyang mga mata. “Banjo, baliw ba yang kasama mo o bulag?” Napakamot si Banjo sa kanyang ulo. “Sorry ate, pagpasensyahan mo na po itong si Bert. Galing Maynila kasi.” Tumikhim ng malakas si Bert at tinitigan siya. “Hindi ako baliw. Pero ngayon? Baka mabaliw na nga ako dahil sa ‘yo,” anito sabay kindat sa kanya. Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi nito. Pinagpalit-palit niya ang tingin kay Banjo at Bert. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinalibutan sa sinabi ng binata. Kung siguro ay kaedad siya nito ay bebenta sa kanya iyon, ngunit ngayon? Parang biglang umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. “Ano?” Kumunot ang noo niya at sinamaan ito ng tingin. Tumalikod siya sa mga ito at pumasok sa loob ng kanyang bahay. Pagkalabas niya muli ay mayroon na siyang dalang tambo. “Umayos ka ha!” Inundayan niya ng palo si Bert na agad namang umatras. “Aray!” natatawang sabi nito kahit hindi naman natamaan ng tambo. “Hindi ka na mabiro, Vangie!” Lalo siyang nakaramdam ng inis dahil sa tinawag nito sa kanya. “Vangie?! Ako talaga pinagloloko mo ha! Halika nga ritong bata ka! Hindi ka marunong rumespeto sa mas matanda sa ‘yo ha?!” Lalo lamang lumakas ang tawa ni Bert. “Age doesn’t matter!”  Si Banjo naman ay nakangiwi na sa gilid at panay ang kamot sa ulo. “Pasensya na, ate Vangie. Ganyan talaga ‘yang si Bert,” nahihiyang sabi ni Banjo sa kanya. “Bert! Ano ba?” “Binibiro lang naman kita, Vangie. Sorry na,” tatawa-tawang sabi ni Bert. “At Vangie pa rin talaga ang tawag mo sa akin?!” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Bakit? Ano ba gusto mo? Love?” Napaawang ang bibig niya. Feeling ko talaga sinto-sinto ‘tong lalaking ‘to, aniya sa kanyang isipan. Gwapo sana ito pero mukhang may kulang sa isipan. Sinamaan na lamang niya ito ng tingin at muling tinuon ang pansin kay Banjo na nakatungo na. Wala siyang panahon para sa mga laro nito. Masyado na siyang matanda para roon. “Banjo! Sige na. Ilagay niyo na rito ang mga order ko,” aniya at pagkatapos ay nagmartsa na siya papasok sa loob ng kanyang bahay. Dere-deretso siyang pumasok papunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig sa fridge. Oo nga’t na iinis siya sa mga pasaring ni Bert pero hindi niya alam kung bakit parang na aapektuhan siya sa mga banat nito. Masyado na siyang matanda para sa mga ganoong bagay ngunit… hindi niya maiwasang mapangiti. Sa buong buhay niya ay iisang lalaki lamang ang kanyang inibig, si Fredo, ang dati niyang asawa. Lahat ng first niya ay ang dati niyang asawa ang nagparanas n’yon. Labis niya itong minahal, to the point na halos gawin niya na itong mundo. Kaya naman noong magkahiwalay sila ay hindi na niya nagawa pang magmahal ng ibang lalaki. Marami naman ang umaligid sa kanya at nagsubok na manligaw noong magkahiwalay sila ng asawa niya. Ngunit mas pinili niyang ibuhos na lamang ang kanyang atensyon sa kanyang mga anak. Pero sa pinaka unang pagkakataon mula noong magkahiwalay silang mag-asawa ay ngayon lamang ulit kumislot ang puso niya dahil sa isang lalaki. Napabuntong hininga siya at mabilis na iwinaksi ang naramdaman para sa lalaki. Masyado na siyang matanda para kiligin pa sa mga simpleng bagay. Lalo na sa isang lalaking sa tingin niya ay dekada na ang tanda niya. Matapos niyang uminom ay muli na niyang ibinalik sa fridge ang pitsel. Naglakad na siya pabalik sa tindahan pero roon na siya sa sala dumaan. Sigurado kasi siyang wala na naman siyang madadaanan sa tapat ng pinto dahil sa mga in-order niya. Pagkapasok niya sa tindahan ay nakita niyang nasa loob na ang mga box ng mga in-order niya. Marami siyang binili ngayon dahil bakasyon na at marami na naman ang tao sa kanilang barangay. May mga ka-barangay kasi silang nag-uwian galing sa Luzon. May tiwala rin siya kay Banjo kaya hinahayaan niyang makapasok ito sa loob. Pero sa kasama nito, wala. Dumeretso siya sa pinto at sinilip kung patapos na ba ang mga ito. “Hi, Vangie!” bungad sa kanya ni Bert. May nakapatong sa balikat nito na box. Tagaktak na ang pawis nito. Napabuntong hininga na lamang siya. Kung gusto nitong tawagin siyang Vangie ay hahayaan na lamang niya ito. Inirapan na lamang niya ito saka pumihit papalapit sa freezer na nakapwesto sa gilid ng pinto. Kumuha siya ng dalawang softdrinks doon. Nang mabuksan niya ito ay nilagyan niya muna ng straw ang dalawang bote. Muli siyang sumilip sa pinto para masigurong wala roon ang binata. Noong makita niyang nasa truck na ulit si Bert ay mabilis siyang lumabas at inilapag ang dalawang bote sa taas ng box na malapit sa kanyang gate. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa loob. Palagi niya iyong ginagawa ngunit ngayon ay pakiramdam niya isang malaking pagkakamali kapag makita ni Bert na nagbigay siya ng softdrinks. “Ate Vangie, pabili po,” tawag sa kanya ng isang dalagita. Mabilis siyang lumapit sa tapat ng tindahan niya para pagbilhan ito. Mabuti na lamang ay mayroong bumili at matutuon ang atensyon niya rito. “Uy! Salamat, Vangie!” Napalingon siya sa kaliwa niya noong marinig niya ang boses ni Bert. Pagtingin niya ay hawak-hawak na nito ang isang bote ng softdrinks at sumisipsip na sa straw. Nakapikit ang mga mata nito na para bang ninanamnam ang malamig na softdrinks. Sandali siyang natigilan noong matuon ang pansin siya sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit parang ang gwapo nito sa kanyang paningin. Ang buhok nitong kulot ay mamasa-masa na dahil sa pawis. Sumasabay sa pagtaas baba ang adams apple nito sa paghigop nito ng softdrinks. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok ng laway noong makita niya ang tumutulong pawis nito. Naglalakbay iyon mula sa leeg nito papunta sa matipunong dibdib nito.  Muli siyang lumunok ng laway. Ang init naman dito bigla? aniya sa kanyang isipan. Panay ang pagbasa niya sa kanyang labi gamit ang dila. Pakiramdam niya ay biglang sinilaban ang tindahan niya dahil sa nararamdaman niyang unti-unting pag-iinit. Sa araw-araw na pagbubukas niya ng tindahan niya na nasa tapat ng court ay palagi siyang nakakakita ng mga huba’t barong mga kalalakihan. Hindi na sa kanya bago ang ganoon dahil minsan na siyang nagkaasawa. Ngunti ngayon ay pakiramdam niya ay nahahalila siya sa basang katawan nito. Napahinga pa siya ng malalim noong mapunta na ang kanyang tingin sa dibdib nito. Kitang kita niya ang pagtaas baba ng laman nito sa dibdib sa tuwing humihinga ito. Diyos ko! Ano ba ‘to? Sa dami na ng lalaking nakita at nakilala niya mula noong magkahiwalay sila ng dati niyang asawa. Ngayon lamang siya na apektuhan ng ganito nang dahil sa lalaki. Ni minsan ay hindi na niya na isip pa ang sarili na mahalina pa sa mga lalaki bukod sa mga palabas na kanyang napapanood. “Vangie?” Ni minsan ay hindi na niya na isip pa ang sarili na magkaroon ng – “Vangie!” Napaigtad siya noong marinig niya ang boses ni Bert. “Oh?” Parang siyang biglang nagising kahit nakamulat. Pagtingin niya rito ay nakalapit na pala ito sa kanya at nakangiting pinagmamasdan siya. Mabilis siyang umatras at tumingin sa labas ng tindahan niya. “Bakit?” masungit niyang tanong. Ngumiti ng nakaloloko si Bert. “Ikaw ha? Pinagpapantasyahan mo ako ‘no?” nanunudyo nitong sabi. Salubong ang kilay na nilingon niya ito. “K-Kapal mo ha?” Muli siyang umiwas ng tingin dito. Hindi niya kayang salubungin ang mapanukso nitong mga tingin. “Sus! Okay lang naman.” Bumuntong hininga siya at tumalikod dito. “Tapos na ba kayo?” “Crush mo na ‘ko ‘no?” Natigil siya sa paglalakad noong marinig niya ang tanong nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Alam mo ikaw’ng bata ka? Puro ka kalokohan!” “Eh crush mo nga ako?”  Muli niyang iniikot ang kanyang mga mata. Hindi na ata matatapos ang stress niya sa lalaking ito. Pagka-alis na pagka-alis ng mga ito ay ire-request niya talaga kila Lucia na ibang delivery boy ang dalhin sa kanya. Tumalikod na lamang siya rito at lumapit sa kanyang lamesa. “Narinig ko kay Banjo… wala ka na raw asawa?” Sandali siyang natigilan at sinulyapan ito. Nakatingin pa rin ito sa kanya ngunit hindi na mukhang nanloloko. Huminga lamang siya ng malalim at muling itinuon ang atensyon sa pagkuha ng pera. “Ibing sabihin nag-iisa ka lang ngayon, ‘di ba?” “Bakit? Kung may balak kang masama, h’wag ka nang magtangka ha?” banta niya rito. Tumawa ng mahina si Bert. “Wala ah. Pero balak na masarap… meron.”   © 04 – 09 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD