Tirik na ang araw noong dumating sina Vangie at Bert sa beach. Makasuot siya ng sandong itim at cotton short. Habang si Bert naman ay nakasuot ng beach short at puting sando. Naka-shades pa ito kaya lalong gumwapo. Agad nilang hinanap ang cottage ng mga ito. Nakita nila iyon sa may dulong parte na ng beach at malapit sa mababatong parte. “Bert!” tawag ng mga dating kaklase ni Bert sa kanya. Huminga nang malalim si Vangie. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso noong makita niyang papalapit sa kanya ang mga dating kaklase ni Bert. Apat na babae at dalawang lalake ang andoon. Nag-aayos pa lang ang mga ito para bang kararating pa lang din. Sumunod lamang siya kay Bert. “Kayo pa lang?” tanong agad ni Bert nang makapasok na sila sa cottage. Pahaba ang cottage na iyon na mayroong mahab

