Halos mayupi na ang latang hawak ni Vangie habang patuloy siya sa pagtugon sa mga halik ni Bert. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Malamig ang simoy ng hangin sa rooftop pero pakiramdam niya ay biglang sinilaban ang buong paligid. Labing anim na taon na ang nakalipas mula noong makaranas siyang muling mahalikan ng isang lalake. Hindi man niya iyon hinihiling, at ni minsan noong magkahiwalay sila ni Fredo ay hindi na niya iyon naranasan pa. Pero hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay sobra siyang nasasabik sa pwedeng kahinatnan ng kanilang halik. Parang may kung anong na buhay sa kanyang loob at pilit iyon nagkukumawala. Parang kinukuryente si Vangie nang maramdam niya ang mga kamay niya ni Bert sa may kanyang batok at likod. May kung anong kiliti ang binibigay na pakiramd

