Nagmamadali akong pumasok ng hall para sa dadaluhan kong conference meeting sa mga small business owners dito sa Baguio City. Panay ang tingin ko sa wrist watch ko ng may makabunggo ako. Sa pagka bigla nakabig ko ito pero sa dibdib niya naiyapos ang braso ko. Parang nag slow motion ang paligid nang masilayan ko ang maganda at inosente nitong mukha. Sa pangalawang pagkakataon bumilis ang t***k nang puso ko at nakaramdam nang kakaibang tuwa. Nabalik ang ulirat ko ng malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Gulat akong napalingon dito dahil kahit may kaliitan siyang babae napaka bigat ng palad. Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko sa lakas ng sampal nito. Mukhang nagulat din ito at kaagad humingi ng dispensa bago nagmadaling pumasok ng hall. Napangisi ako sa loob loob ko nang masulyapan a

