Pinaningkitan ko si Khiro habang kumakain kami dahil nasa kandungan na naman niya si Kieanne at sinusubuan habang katabi si Sam. Wala akong choice kundi maupo kaharap nang mga ito. Nagngitngit ako sa inis. Ngayon naiintindihan ko na ang pang aasar ko sa kanya dati. Nakaka-galit pala at gusto kong mang balibag ng kamukha. Tuwang tuwa pa ako noon sa tuwing inaasar ko ito at pinagseselos kay Danaya. Aray! Madiing napadaing ito nang pasimple kong tadyakan ang paa sa ilalim ng mesa. Tumingin sa kanya ang lahat nang may pagtataka. Ah may dagang dumaan sa lamesa natapakan ang paa ko. Namilog ang mga mata ni Mommy at sumilip sa ilalim ng mesa. Daga pala ah. Bulong ko na narinig nito at ikinangisi. Ang sarap nang luto ni'yo Sam kaya naman pala ang lusog nang anak ko. Pinagdiinan pa talaga

