KHIRANZ: NAKAPAMEWANG AKONG kunot ang noo na humarap sa mga police na dumating na siyang may hawak sa case ni Sam. "What is the meaning of this? Anong kaugnayan ni Sam sa sindikatong bumangga sa kanya!?" bulyaw ko sa mga pulis na nag-report sa nangyaring engkwentro. Napag-alaman ng mga ito na kabilang sa mga most wanted ang sindikatong bumundol kay Sam last night. Bagay na ipinagtataka ko. "We're so sorry, young master. Sa ngayon 'yan pa lang ang nalalaman namin. On going pa ang investigation sa case ni Mis Samantha. Mauna na po kami" magalang paumanhin ng mga ito. Napahilamos ako ng palad sa mukha. Ayon sa mga ito ay wanted sa larangan ng pagnanakaw at illegal drugs ang mga lalaking bumundol kay Sam at utos iyon ng kanilang kinikilalang boss! Hindi rin malinaw kung paanong may nauna

