NAIDA POV
Pagkarating ko sa MU ay agad kong hinanap sila Irish at Diane na agad ko din namang nakita, mabuti nalang at hindi ako nalate sa unang araw ng klase
"Hinihingal ka ata?" pansin agad sa akin ni Diane
Tumakbo kasi ako ng tumakbo kanina palabas ng subdivision at kahit na nagtitipid ako at 30 mins lang ang layo ng MU kung lakarin ay sumakay ako ng taxi ng may dumaan dahil nakita ko na nga ang sasakyan ni Jonald sa malapit na halatang sinundan ako or dahil baka may pasok din sya ngayon, pero ayoko muna sya ngayon makausap at makasama kaya hanggat maaari ay iiwasan ko muna sya
"matagal tagal narin kasi akong walang exercise kaya madali akong hingalin" palusot ko nalang sa kanila at oo isang taon narin akong hindi nakakapag exercise kahit jogging lang na syang palagi kong ginagawa pagka umaga nung nasa probinsya pa ako.
"ang saya ng party kagabi ano?" nakangiting sabi naman ni Irish
sobrang saya nga ang party na nangyari kagabi at hindi lang ako ang nag enjoy halos lahat kami na umattend. Non alcoholic drinks naman ang inumin kagabi, halos lahat masarap ang pagkain kaya busog na busog kami at marami din kaming nakilala na bagong kaibigan.
"Good Morning class im Reagan Alcasid Jeronimo and i will be your professor to your subjects in Macro Perspective of Tourism and Hospitality" habang nag uusap usap kami ay may biglang pumasok ang isang magandang babae na kasama ni Jonald kahapon at sinulat nya ang pangalan nya sa white board maging ang subjects namin ngayon
"but before we start our lesson i want to know you my dear students so please introduce yourself here in the front" kahit may salamin syang suot ngayon ay hindi iyon nakakabawas ng kagandahan nya
bigla naman akong nanliit sa sarili ko, ang ganda ng girlfriend ni Jonald. Bagay sila dahil parehas sila guro at may magandang background. Napansin ko din ang pagkahanga ng mga kalalakihan naming mga kaklase kay mam Reagan.
Sino ba naman kasi ang hindi ma-aattract sa kanya napakaganda at napakabait nya pa, meron syang white skin na kasing puti ng puting coupon bond, matangkad at sexy sya at may matangos na ilong. Hapit sa katawan nya ang suot nyang uniform at may matatambok na pwet maging ang kanyang hinaharap.
Nagulat ako ng may biglang tumapik sa akin kaya napatingin ako kay Irish na nagbibigay senyales na ako na
"Ikaw na sissy" rinig kong bulong nito
napayuko nalang ako habang naglakakad sa unahan dahil ang tagal ko na palang nakatulala sa kawalan at nakakahiya
"are you okay?" tanong agad ng guro sa akin
"y-yes mam s-sorry po" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya
"Don't be shy darling were all family here" malambing pa ang boses nya
ngumiti nalang ako kahit pilit
"Good morning, Im Naida May Jeronimo, 23 years old. I choose this course because i want to travel the world and to help my family"
ramdam na ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ni maam Reagan at naiilang ako dahil para bang sinusuri nya ako. Titig na titig eh.
Alam nya na kaya na mag asawa kami ni Jonald? Kaya ba ganyan ang reaksyon nya ng malaman ang pangalan ko? Tinapos ko nalang ang pagpapakilala dito sa gitna banda sa may unahan at pagkatapos ay bumalik na sa upuan ko, hindi parin ako mapakali dahil paminsang minsang tinitingnan ako ni maam Reagan at tumataas ang mga balahibo ko sa kakaibang nararamdaman sa tingin nya. Ewan ko hindi ko mawari kung bakit.
Ganun din ang nangyari sa iba pa naming mga subjects, introduce yourself lang at binigay ang coverage ng bawat subjects ngayong 1st sem at bukas nalang daw sila magtuturo. Kung sino ang mga kablockmates namin kanina ay sila na ang kaklase namin hanggang sa pag graduate, maliban nalang kung may tumigil, may dumagdag at ang iba kung irregular.
"may last subject pa tayo tara kain muna tayo sa canteen"
kaming tatlo talaga ang palaging magkakasama kahit na nakakausap rin namin ang mga kablockmates namin. Alas dos palang ng hapon at kung nagturo talaga ang mga guro kanina ay aabutin kami ng 7pm ang out namin.
"Tara" sabay naming sabi ni Diane
Para na talaga kaming matagal ng magkaibigan kung titingnan dahil isa lang ang mga trip namin sa buhay, nagkakasundo kaming tatlo kahit na may iba iba kaming personality.
"Hi Naida" habang kumakain kami dito sa canteen ay may lumapit sa amin na tatlong lalaki, ito iyong isa sa mga nakasayawan namin kagabi
"Hi Von" sabay naman na bati nila Irish at Diane, nagsiupuan naman ang dalawa pang kasama ni Von sa tabi nila Irish at Diane
"Upo ka" sabi ko naman dito dahil nakatayo lang sya nakatingin sa akin habang dala ang tray na may laman na kakainin nya
ngumiti naman si Von sa sinabi ko kaya nawala ang kanyang mga mata at tumabi na nga sa akin, Hindi kami magkaklase dahil iba ang kanilang kurso at nasa 3rd year college na sya, isa syang piloto pati narin sila Alex at Mike na katabi nila Irish at Diane
"Sasali ka ba sa contest ng muse sa course nyo?" tanong nito sa akin
nagkainteres naman ang dalawa sa sinabi sa akin ni Von
"Ano iyon?" tanong ng dalawa
"every year kasi may contest sa bawat course dito sa MU sa pagiging muse and escort" sabi ni Alex
"And after that maglalaban naman kung sino ang nanalo ng muse and escort ng buong course" sabi naman ni Mike
"At ang nanalong muse and escort sila ang ilalaban sa ibat ibang school every year" dugtong naman ni Von
nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi nila dahil ngayon lang namin iyan narinig
"Wow ha" tila na excite na sabi ni Irish
"You should join" nagulat ako dahil ang lapit ng mukha sa akin ni Von kaya umusog ako ng konti
"Uy kayo ha" kantyaw agad ni Irish
"Do you have a girlfriend Von Arcus Cullen?" diretsang tanong naman ni Diane dito kaya palihim ko syang sinuway
tsk. Alam naman nilang may asawa na ako.
"No nothing, and this is the first time i am attracted to a girl" napaiwas naman ako ng tingin dahil sa kakaibang tingin ni Von sa akin
"Hoy wag ka naman magbiro! Kumain na nga tayo!" pag iiba ko sa topic at kumain na nga
"Aysus pabebe pa ang beshy ko" kinikilig na sabi ni Irish.
Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang nga, nagkulitan naman ang apat samantalang kami ni Von ay tahimik lang na kumakain at tila ba nakikiramdaman sa isat isa.
Napatingin ako sa paligid ng maramdaman na para bang may nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin sa akin iyong kapatid ni Jonald na si Jonah, nang mapansin nyang nakatingin din ako sa kanya ay saka nya ako inirapan. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon nya dahil wala naman akong ginagawa sa kanya.
Nandito na kami sa classroom at naghihintay sa magiging last professor namin para sa last subject namin ngayong araw ng bigla akong kinabahan dahil si Jonald ang pumasok at parehas kami nagkatinginan sa isat isa.