Nagulat ako ng suntukin ni Ludian ang couch, napasabunot ito sa buhok niya. "S-si Clyde? ibig mong sabihin si Clyde yung kinita mo kagabi?!" galit na galit ang tono ng pananalita niya na animo'y pinagtaksilan siya ng taong mahal niya.
"Yes, at ano naman sayo?!" saad ko, inirapan ko ito at nagumpisa na maglakad palayo. "NAGIISIP KA BA?!! KIANNA NAGIISIP KABA!!!!" sigaw nito sakin, nakaramdam ako bigla ng takot. Napahinto ako dahil sa pagsigaw niya. "So it's true that you're having an affair with Clyde?" dinig sa tono ng pananalita niya ang inis.
Hinarap ko si Ludian napangisi ako ng makitang masama ang tingin nito sakin. "Wala kaming relasyon ni Clyde! His secretary called Arya dahil gusto daw ako makausap ng CEO ng Draken, and i don't know na si Clyde pala ‘yon!" paliwanag ko sakaniya..
"Teka nga lang! bat ba ako nagpapaliwanag sayo? ano naman sayo kung may relasyon kami ni Clyde?! meron karin naman diba?! your one and only Hannah!!" dikdikan ko sakaniya, nagulat ako ng bigla niyang sakmalin ang bibig ko at sakalin pahiga sa couch.
"Hindi ba sabi ko sayo wag na wag mong dinadamay si Hannah?!" galit na sabi nito. "B-bitiwan mo a-ako!" daing ko, ang sakit na ng bibig ko.
Lumuwang ang pagkakasakmal niya sa bibig ko at tuluyan na akong binitawan. "Umalis kana " walang buhay kong sabi ng hindi siya tinitignan.
"I-im sorr--"
"SINABING UMALIS KANAA!!!!" sigaw ko sakaniya hindi na siya nagsalita pa ulit at naglakad na palabas ng condo ko.
Sinaktan nanamna niya ako physically, after 10 years. nagawa na naman niya akong saktan because of Hannah..
Inayos ko ang sarili ko, hindi ko magawang kumain kahit nakaramdam na ako ng gutom. Hawak hawak ko lang ang phone ko at binabasa ang mga comments sa post ni Ludian sa social media.
-"Woa, nakakaselos naman si Ms. Kianna, kahit tulog ang ganda parin."
-"Sus maganda nga, malandi naman!"
-"So sino pala yung rumored gf ni Ludian? yung nakatira sa tabi daw ng riles? the one sa video? right guys?
-"Maybe Kianna is just a substitute, para lang matambunan ang kahiyahiyang issue about Ludian?"
Andami namang oras ng mga taong to talagang nagagawa nilang makichismis sa buhay ng may buhay. hays!
*You have text message*
(I'm sorry..) text from Ludian.
Hindi ko iyon nireplyan, titiisin ko na muna siya. ang sakit parin ng ginawa niya... Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng mga comments hanggang sa bigla nalang nagring ang phone ko.
(Hello frenny, kamusta ka? i saw the news... okay ka lang ba?) si Frea my bestie.
"Okay lang ako.." mahina kong sagot, umupo ako sa kama at kumuha ng unan upang ilagay sa lap ko.
(Fiancé mo na pala si Ludian? kailan pa?) Tanong nito may kung ano sa tono ng boses niya, nagtatampo siguro siya.
"Im sorry frea na hindi ko nasabi ang about samin ni Ludian.. Pinagkasundo kasi kami ni Dad at ng papa niya, at sa mismong kasal na sana namin ipapaalam na ikakasal na kami ni Ludian...." singhal ko.
(Ano ka ba, naiintindihan ko.. so anong balak mo ngayon? paano mo haharapin ngayon yung mga issues regarding sa affair mo kuno sa Ceo ng Draken? iniisip ng madla na nag two time ka?) litanya nito, inaasahan ko na talaga ang iisipin ng mga tao after what Ludian's did. Hindi man lang siya nag isip na palipasin muna ang issue samin ng Draken.
(Sya nga pala, kilala mo na yung Ceo ng Draken? sino siya frenny? matanda na ba? babae or lalaki?) sunod sunod na tanong ni Frea, napangiti ako ng hindi ko napapansin.. Siguro dahil narin sa na realized ko na todo isip kami dati ni Frea who's behind that Company, sobrang successful kasi kahit hindi nagpapakita yung Ceo. Turn out na kasa kasama lang pala namin minsan.
"Soon.. makikilala mo rin siya, i respect his privacy Frea. " sagot ko
(His? so lalaki? myghad! guwapo ba?) tanong ulit nito.
(Baka siya talaga ang para sayo?! ay ikakasal ka na pala kay Ludian) dugtong pa nito.
"Ewan ko.. para na akong masisiraan ng bait dahil sa mga pangyayari.. anyways, wag ka ng mag isip ng mag isip baka ma stress ka. Di pwedeng ma stress ang buntis." saad ko dito. agad na nagpaalam si Frea and inend ang call. balik nanaman ako sa pagbabasa ng mga comments.
Hanggang sa halos sumabog na ang phone ko kaka notif, ang daming nag mementioned and sending a link. When i open the link i saw another news.
((BREAKING NEWS: Clyden Estrella Bautista, a prominent lawyer and champion of justice, has revealed himself as the CEO of the Draken Company through a live video on his social media account.
Bautista is known for his defense of a woman accused of killing her boyfriend in 2022. The court found that the woman was acting in self-defense, and Bautista secured justice for her.
Here's the live video of Clyden Estrella Bautista Ceo of Draken Company.))
LIVE VIDEO OF CLYDE:
"Good day everyone. I am Clyden Estrella Bautista, and with me is my secretary. I know you're familiar with him because he's the only one I trusted with all the tasks in my company, Draken.
I understand that I've been a bit elusive to the media because of my profession as a lawyer, but I can no longer stay silent about the rumors and speculations circulating on social media and television.
Ms. Kianna Sierez, she is my high school batchmate, i invited her to that restaurant to discuss our potential partnership for the growth of our companies.
I want to clarify that Ms. Sierez and I have no romantic relationship. In fact, she is already engaged to my close friend, Ludian Rio Nihaka.
Thank you."))
Halos lumuwa ang mata ko at dumugo ang tainga ko sa narinig, talagang lumantad na si Clyde? to save me? or... to save him??
Blangko ang utak ko, wala akong maisip.. Hindi ko alam kung ano pang mga susunod pa na mangyayari, lalo na't talagang pinatunayan pa ni Clyde na engaged na kami Ludian..
Paano kung biglang magpakita si Hannah? paano kung sabihin niya na kasal kasalan lang ang mangyayari samin ni Ludian? mas lalo talaga akong lulubog sa kahihiyan.