Chapter 4

2859 Words
*** Nakasimangot akong naglakad pabalik ng classroom ko dahil naisahan na naman ako ni Lincoln. Basta-basta nalang siya nanghahalik at hindi man lang inaalam kung dapat ba! Dapat niyang i-respeto ang mga taong wala pang first kiss! Nakakaasar! Padabog akong naupo sa upuan ko at napatingin sa akin lahat ng kaklase ko kaya napairap ako. “Oo hindi ako nakauniform, ilayo niyo na ang mga mata niyong judgmental sa akin!” sabi ko at agad din silang umiwas ng tingin. Ilang minuto pa at dumating na din si Bea kaya napatunayan ko na kapag late ako, late din si Bea pumasok. Napapailing ako nang makita ko siyang nakangiti sa akin. "Kumusta ka na Aya? Akala ko hindi ka papasok ngayon eh." pag-aalalang sabi ni Bea at umiling ako. "Exam na next week, walang dahilan para lumiban sa klase.." sabi ko. Third quarterly examination na namin next week at kailangan ko na mag-aral ng mabuti dahil magiging palakol na naman ang mga grades ko. Saka para masecure ko din ang scholarship ko. Suntok sa buwan ang grades ko sa tuwing magpapasahan na ng updates sa scholarship. Saktong 85 lahat ng grade ko at parang sinadya. Hindi tumataas, hindi bumababa. "Guys, absent daw si Ma'am Weng ngayong araw, wala tayong klase hanggang mamayang lunch." wika ng presidente ng klase namin kaya dali-daling nagsilabasan sa classroom ang mga kaklase ko. Samantala, naiwan naman kami ni Bea sa classroom kaya inilabas ko ang notebook ko sa Filipino, mayroon kaming kailangan tapusin na comics na ipapasa bukas kaya kailangan ko na ito gawin ngayong araw.  "Ginagawa mo pa din 'yan comics?" tanong ni Bea at kumunot ang noo ko sa kaniya.  Ang yabang ng bruhang 'to! Siguro tapos na 'to.  "Ikaw? Tapos ka na?" Pinakitaan ko talaga siya na hindi ako naniniwala sa kaniya. "Oo, tinapos ko kagabi kasi madami akong kailangan I-chika sa 'yo ngayong araw." natatawang sabi niya at umiling ako. Kaya pala tinapos agad dahil maraming iku-kwento. Napailing ako dahil sa mga rason ni Bea. Chismis comes first talaga sa priorities ng kaibigan ko. "Diba sabi ko sa 'yo nililigawan ni Lincoln si Hanna kahapon." sabi niya at tumango ako pero hindi ako lumingon. Abala ako sa pagdo-drawing sa desk ko. "In instant, he dumped her! Trip lang daw ‘yon! Ang hurray ni Link diba?!" she giggles at napakunot ang noo ko. Trip? Ang kapal talaga ng mukha. Liligaw-ligawan niya si Hanna tapos biglang iiwan niya sa ere? Napapailing ako sa mga ikinukwento sa akin ni Bea. Matagal na namin nakikita si Lincoln na kung kani-kanino nali-link pero wala naman talagang accurate news na mayroon talaga siyang naging girlfriend sa batch namin. Balita ko pa nga, ayaw ni Lincoln sa mas bata o mas matanda sa kaniya. "At heto pa.." dagdag ni Bea. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya, hinahayaan ko siya magsalita at ipinagpatuloy ko ang pagdodrawing sa comic book ko. Kapag nakipag-usap ako kay Bea ng dere-deretso, sigurado akong wala akong maipapasa na assignment mamaya. "May kumakalat sa school ngayon na kaya itinigil niya ang panliligaw kay Hanna dahil sa ginawa ng mga kaibigan niya sa 'yo." kinikilig na sabi ni Bea at nabitawan ko ang lapis na hawak ko dahilan na mahulog ito sa sahig. "A-Ano?" gulat na sabi ko at tiningnan si Bea na nakangisi sa akin. Bakit naman titigilan ni Lincoln ang panliligaw niya kay Hanna kung ako lang ang dahilan? Hello? Ako lang 'to, ang kasambahay nila sa bahay na palagi niyang ginugulpi ng panglalait. "Uyyy! Namumula ka! Kinikilig ka ano?" natatawang sabi niya at agad ko naman siyang kinurot sa balikat kaya napatigil siya sa pagtawa at hinaplos ang parteng kinurot ko. "Puro ka talaga kalokohan." mahinang sabi ko at pinulot ang lapis na nasa sahig. "Hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga nasasagap mo na chismis." payo ko at sumimangot si Bea. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit nag-enroll si Bea at kung bakit siya pumapasok. Sa tingin ko kaya lang naman pumapasok 'to sa school e para makasagap ng chismis at maging updated sa kwento ng mga nasa paligid niya. Napapailing na naman tuloy ako. Masaya si Bea sa mga kwento kaya hindi ko din siya mapigilan. "Gusto mo pumunta tayo sa Watsons mamaya?" tanong niya at umiling ako. Magwi-window shopping na naman  ng pang-skincare si Bea kaya umiling agad ako dahil sigurado akong hindi kami uuwi na wala siyang dala na moisturizer, lotion, o ano pa man na inilalagay sa katawan. "Sige na! Samahan mo na ako!" pagmamakaawa niya at ikinumpas ko ang kamay ko na hindi ako sasama. "Ito naman! Saka para maitingin na din kita ng pang-skin care mo at kuminis ka na!" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin dahil ang mga pimples ko na naman ang napagdiskitahan niya. "Hindi ka inaano ng pimples ko, tumigil ka!" masungit na sabi ko at pinangliitan niya ako ng mga mata niya. Oh s**t! Here we go again! "Kaya hindi nawawala 'yan kasi inaalagaan mo eh!" sermon niya at hindi ko na siya niliingon dahil magiging instant homily ang usapan namin dalawa.  "Kung sumusunod ka sa mga sinasabi ni Mama edi sana makinis ka na ngayon." dagdag pa niya. Dermatologist ang Mama ni Bea kaya ganyan siya kakinis. Pero sino ba naman hindi magagandahan kay Bea? Natural na makinis ang kutis niya. Kaya nga ang mga kawawang pimples ko ang nakikita niya dahil gusto niya akong ipa-derma sa Mama niya at pinapagalitan din ako ng Mama niya. In short, pinagtutulungan nila akong dalawa sa tuwing bumibista ako sa bahay nila kaya hindi na ako sumasama kay Bea kapag nag-aaya ito na tumambay sa bahay niya. "Bawasan kaya natin ang full bangs mo?" tanong ni Bea at nag-cross fingers ako sa kaniya. "Bea, alam mo pumunta ka nalang sa canteen at kumain. Hindi 'yun kung anu-ano nakikita mo sa akin!" asar na sabi ko at tumawa siya sabay yakap sa akin kaya bumitaw ako agad. "Ito naman! Gusto ko kasi makita nila na maganda ang friend ko." sabi ni Bea at umiling ako. "Maganda ako sa loob, ipikit mo ang mata mo kapag gusto mo nasa labas." natatawang sabi ko at sumimangot sa akin si Bea. "Sooner or later, mapipilit din kita na gupitan ang bangs mo at mag-skin care." sabi niya at nakasimangot na lumabas ng classroom. Napailing ako dahil nagi-inarte na naman ang kaibigan ko. Niligpit ko ang gamit ko at ibinalik lahat sa loob ng bag. Malaya akong gumalaw dahil naka-jogging pants ako samantalang si Bea ay naka-skirt. Mas mabuti na din na naka-PE ako dahil umuulan kanina. Ang hirap kaya pumasok ng naulan tapos wala kang payong.  "Saan ka ba pupunta?" tanong ko nang makahabol ako kay Bea na naglalakad sa hallway. "Pupunta ako sa canteen pero dadaan muna ako sa admin building." sabi niya at tumango ako. "Magbabayad ka ba ng tuition?" dagdag ko pa na tanong at tumango naman siya. Lumabas kami ng high school department at naglakad papunta sa admin building. Napatingin kami sa open space na katapat ng admin building. Tutal madaming estudyante, nakisali na din kami ni Bea kaya naglakad kami papunta doon at hindi na ako nagulat nang makita ko siya. Ang vocalist ng ensemble. "True friends lie underneath, These witty words I don't believe I can't believe a damn thing they say, anymore Lie, liar you'll pay for your sins Now, liar I know all the places you've been" Nanood kami ni Bea saglit at pinapanood ko si Lincoln na kumakanta habang hawak ang isang acoustic guitar. Nagba-busking performance si Lincoln sa gitna ng school at hindi niya kasama ang mga ka-banda niya.  Ngayon ko lang nakita si Lincoln na mag-solo performance at hindi naman ako na-disappoint dahil pinakita niya talaga na talented siyang lalaki, masama lang ugali. "Hello, Aya!"  Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Akiko na nakatingin sa akin at mukhang nanood rin sa kapatid niya. Napatingin si Bea sa bumati sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil pinangliliitan niya ng mata si Akiko. "A-Ah. Bea, si Akiko." mabilis na sabi ko at nawala naman ang paniningkit ng mata ni Bea kay Akiko. Napakamaldita talaga nitong kaibigan ko.Selosa kapag nakikita niyang may ibang kumakaibigan sa akin. "Hi." nakangiting sabi ni Bea sabay offer ng shakehands.  Instantly, naging kaibigan ni Bea si Akiko at para akong naging third wheel dahil silang dalawa nalang ang nag-uusap palagi. Samantala, nanatili akong nanonood kay Lincoln at hinayaan ko ang dalawa na dumeretso sa loob ng admin building. Iniwan nila akong dalawa at mukhang nakalimutan nila na may kaibigan silang Aya.  At the same time, masaya ako dahil dalawa na kaming kukwentohan ni Bea ng mga chismis na nasagap niya at hindi lang ako ang mapipilitan na makinig. "So tell me how does it feel, How does it feel to be like you? I think your mouth should be quiet 'Cause it never tells the truth So tell me, so tell me why, Why does it have to be this way? Why can't things ever change?" Natapos ang busk perfomance ni Lincoln at agad naman na nag-alisan ang mga estudyante sa paligid na may ngiti sa labi. Nakapag-perform na naman siya na tuwang-tuwa ang fans niya. Aalis na sana ako nang makita kong tapos na maglagay ng gitara si Lincoln sa guitar case niya nang tawagin niya ako kaya't nakasimangot akong lumingon sa kaniya. "Ano?" masungit na sabi ko at hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kaninang umaga. Lumapit siya sa akin sabay akbay habang naka-sukbit ang gitara sa balikat niya. "Aya, gusto ko lang itanong." sabi niya at tumahimik. Hindi ako sumagot at hinayaan ko siya. Puro kagaguhan na naman ang nasa isip nito, sigurado ako. "Aya, bakit ang pangit mo?" seryosong sabi niya at umusok ang ilong ko sa inis sa sinabi niya. "Gago ka talaga!" sabi ko at sinuntok ko siya sa balikat na ikinagulat niya. "Bakit ka nananakit? Ang pangit mo na nga s*****a ka pa!" sigaw niya kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin.  "Ahh! Bahala ka nga! Bwisit ka!" inis na sabi ko at iniwanan siya na tawang-tawa. Pinagtinginan kami ng mga estudyante na nasa paligid namin dahil sa lakas ng tawa ni Lincoln. Wala na talagang ibang ginawa ang lalaking 'yun kundi asarin ako. Napahinga nalang tuloy ako ng malalim sa sobrang inis.  Iniwanan ko si Lincoln na tawang-tawa at pumasok ako sa loob ng admin building. Nakita ko si Bea na naka-pila sa payment section at katabi si Akiko kaya lumapit ako sa kanilang dalawa. "Aya, mag-lunch na tayo pagkatapos namin magbayad." sabi ni Akiko at tumango ako. "Bakit naka-simangot ka?" nagtatakang tanong ni Bea at tiningnan nila akong dalawa ni Akiko. "Haaa! Syempre, sino pa ba ang may kasalanan?" asar na sabi ko at nag-cross arms sabay tingin sa ibang estudyante na may kaniya-kaniyang ginagawa. "I’m so sure, Lincoln is the one to be blamed!." confident na sabi ni Akiko at nagkibit-balikat ako. Pagkatapos magbayad ng dalawa ay naglakad na kami pabalik ng high school canteen. Nasa gitna nila akong dalawa at parehas silang nakahawak sa braso ko na parang tarsier. Napailing ako dahil ang clingy ng dalawang kasama ko lalong-lalo na ngayon na sobrang init pa naman ng singaw ng paligid. Nang makarating kami sa loob ng canteen, ako ang naging taya na bumili ng pagkain namin tatlo. Naghanap silang dalawa ng pupwestohan samantalang ako ay pumila na sa linya para makapili ng pagkain. Hindi ko napansin na nasa likod ang bandmates ni Lincoln kasama siya kaya't nagsisisi ako na pumila ako agad. Hanggang sa pagkain ba naman, makakaranas pa rin ako ng impyerno? "Hi, Aya." bati ng isa at ngumiti lang ako.  "Huwag niyo kausapin ang pangit, baka mahawa kayo." natatawang sabi ni Lincoln at sinamaan ko siya ng tingin. Wala naman lumalabas na maganda sa bibig niya ano pa ba ang aasahan ko? "Bakit lagi mo sinasabing pangit si Aya? E nung summer nga crush mo siya eh." biro ni Calvin at umiwas ako ng tingin sa kanila dahil pinagti-tripan na nila ako. “Crush? To touch her accidentally makes me mad. What more if I will have a crush on her? In your dreams bud!!" mayabang na sabi ni Lincoln at nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Humarap ako sa kanilang lahat na masama ang tingin kay Lincoln kaya natahimik silang apat sa pagku-kwentohan. "Bago mo ako kaasaran, tanongin mo muna ako kung nagustuhan ba kita kahit 1%? SYEMPRE HINDI!" malakas na sabi ko at nilayasan sila dahil ako na ang kasunod na pipili ng pagkain. Mabilis akong umalis sa pila nang makapili na ako ng kakainin namin nina Akiko. Hindi ko kaya magbayad sa oras na makakasama ko pa sina Lincoln sa paligid ko. Umiinit na talaga ang ulo ko sa kaniya gusto ko na siya isako at itapon sa pinakamalayong lugar sa Pilipinas! Hinanap ko sina Bea at nakita ko sila na nasa gitnang bahagi ng canteen kaya  napasimangot ako nang makitang malapit din ang table nina Lincoln sa pwesto namin. Tatlong lamesa ang kailangan lagpasan bago ang table nina Lincoln mula sa amin kaya hindi ako masayang tumabi kay Akiko na agad na kinain ang inilapag ko na pagkain namin. "Ano na naman ang problema mo Aya?" napapailing na sabi ni Bea at tiningnan naman ako ni Akiko sabay tingin sa kapatid niya na kaka-upo lang sa kabilang lamesa. "Huwag mo na kasi pansinin si Lincoln. Kapag pinansin mo lalo ang kapatid ko, hindi ka niya titigilan hanggang sa bahay." payo ni Akiko at sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagkukwentohan ang dalawa habang kumakain kaming tatlo at ako nanatiling tahimik. Wala kasi akong maikukwento bukod sa kagaguhan na meron si Lincoln ngayong araw.  "Hindi ko pa nakikita ang kapatid ko na tumino sa babae." sabi ni Akiko at napatawa naman si Bea. "In all of the gossips he's involved with, none of those are true naman yata." sabi naman ni Bea.  Nakikinig ako sa kanilang dalawa nang biglang may maglapag ng softdrinks in can sa lamesa namin. Napatingala kaming tatlo at nakita namin si Lincoln na nasa gilid ko at nakatingin ng masama sa akin. "Ikaw." seryosong sabi niya at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Anong nangyayari self? "A-Ako ba?" turo ko sa sarili ko at lalong kumunot ang noo ni Lincoln. "Anong problema mo?" walang ganang sabi ko at iniwasan ang tingin niya na kayang tumunaw ng isang tao. Napailing ako dahil hindi umaalis sa gilid ko si Lincoln. Mukhang na-truth or dare na naman ang mokong na 'to kaya ako ang napili na pag-eksperementohan. Umalis na si Lincoln sa gilid ko at natahimik kaming tatlo dahil hindi namin alam kung anong naisipan niya. Tiningnan ko ang softdrinks in can na inilagay niya sa lamesa namin at nag-iisa lang ito. May tissue na nakalagay sa ibabaw at may sulat kaya tiningnan ko din agad. Meet me in our classroom. Tumingin ako kay Akiko at nagkibit balikat naman siya sa akin. "Akiko, pwedeng ikaw nalang?" tanong ko at tumawa siya sabay iling. "Kung ayaw mo maging war zone ang classroom nila, please, huwag ako ang papuntahin mo." natatawang sabi niya at napasimangot ako. Tumingin ako kay Bea na unti-unting umiiwas ng tingin kaya napangiti ako. "Thank you Bea!" masayang sabi ko at umiling siya. "Bruha ka! Ang goal ko lang ay makasagap ng chismis tungkol kay Lincoln, hindi maging shield mo okay?!" pagtatanggol niya sa sarili niya at agad na nakipagkwentohan kay Akiko para hindi na ako makasagot pa. Nakakaasar naman. Binilisan ko ang pagkain ko at iniwanan ko sina Akiko sa canteen. Bumalik ako sa floor ng 4th year dahil nandoon ang mga classroom namin. Nilagpasan ko ang classrom ng Section D kasi pupuntahan ko ang section B na classroom. Tumayo ako sa ikalawang pinto ng classroom kung saan ito ang exit door kaya nakita ko agad si lincoln na nakaupo sa pwesto niya na nasa dulong row at katabi ng bintana. "Anong kailangan mo?" tanong ko at tiningnan naman ako ni Lincoln na tamad na tamad sabay kumpas ng daliri niya na lumapit ako. Naglakad ako papasok at kinabahan ako dahil may mga kaklase siya sa loob, kahit na kaunti sila ay kakaiba ang tingin nila sa akin.  "Nasaan na 'yun folder at cartolina na ipinauwi ko?" seryosong sabi niya at namilog ang mga mata ko nang maalala ko na nasa kwarto ko ang mga sinasabi niya. Shocks! Hindi ko pala ibinigay sa kaniya? Ang tanga ko talaga! "W-Wala. Hindi ko dala." mabilis na sabi ko at umiling naman sa akin si Lincoln. "Ah. Useless ka talaga." mahinang sabi niya sabay tayo at inilahad ang palad niya na parang may hinihingi. Napakunot naman ang noo ko at umihip siya ng hangin sa sobrang inis sa akin. "Give me your phone." seryosong sabi niya at tiningnan ko siya ng nagtataka. "May phone ka naman bakit kailangan mo pa ang phone ko?" tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin kaya napa-atras ako sa kaba. "Wala ang phone ko, nasa room." sabi ko.  Hindi ako nagdadala ng phone sa bulsa sa takot na madukutan ako kaya iniiwan ko sa bag. Malay ko ba na hihingiin ng lalaking ito ang phone ko. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at iniabot sa akin. "Give me your number." seryosong sabi niya at dahan-dahan kong kinuha ang cellphone niya. Nanginginig ako na inilagay ang number ko sa phone niya bago ko ito ibalik. Pinitik niya ako sa noo at itinulak palabas ng room. Tahimik ang mga kaklase niyang nanonood sa amin at hindi ako natutuwa dahil sigurado ako na mamaya ay nasa chismis na naman ako sa school. Naglakad ako palayo kay Lincoln dahil hindi ko na kinaya ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko pa naman kaya na nagkakaganito ako.  Naglakad ako papunta sa classroom namin nang bigla akong mapahinto at mapalingon dahil tinawag ako ni Lincoln. "Aya, b-bukas ang zipper mo." seryosong sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD