***
"Ahh! Flag ceremony na naman!"
Nakapila lahat ng estudyante sa open field dahil magsisimula na ang flag ceremony. Tuwing Lunes ay nagkakaroon ng flag ceremony sa Phoenix University at madalas pinapangunahan ito ng mga first year. Sa ilalim ng init ng araw, nakasunod ako kay Bea at kay Akiko na naglalakad papunta sa open field.
Naka-suot pa rin ako ng PE Uniform ngayong Lunes dahil wala pa akong pambili ng uniporme. Gusto ako pahiramin ni Akiko kaso hindi kami magka-size dahil mas mataba ako sa kaniya.
"Hindi kaya mapansin ka na ng mga teacher?" tanong ni Akiko.
"Sana nga huwag. Baka madala ako sa detention." matamlay na sabi ko dahil nag-aalala ako na baka masita ako ng teacher.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo. Humiram ka sa akin kung hindi pwede kay Akiko." sermon ni Bea.
Pinapahiram ako ni Bea ng isa pa niyang uniporme pero hindi rin kasya sa akin kasi mas mataba ng kaunti sa akin si Bea at hindi magkasukat ang coat namin. Customized kasi ang uniform ng Phoenix at kailangan mo talaga magpagawa sa patahian nila.
"Akiko, sigurado ka ba na sa amin ka pipila? Baka ma-absentan ka ng monitor niyo." sabi ko nang mapansin na hindi lumilipat ng linya si Akiko at kasama siya ng section namin.
Nasa kanang bahagi ang section ni Akiko samantalang ang section naman namin ni Bea ay nasa gitna.
"Nakita naman ako ng monitor namin na papunta ako dito, kaya okay na." sabi ni Akiko at nagpatuloy ang pakikipagkwentohan niya kay Bea.
Nagsimula ang flag ceremony at kumumpas ang nagli-lead na first year. Nanumpa at namanata kaming lahat pagkatapos ng Lupang Hinirang. At sa huli, exercise na naman. Hindi ako gumagalaw kasi nasa hulihan ako. Saka baka mapansin na iba ang kulay ko sa mga schoolmate ko na naka-complete uniform.
"Nakapagbayad na ba kayo sa school trip?" tanong ni Akiko at umiling ako.
"Magbabayad ako mamaya. Gusto mo samahan mo 'ko?" sabi ni Bea.
"Hindi ako sasama." sabi ko at tiningnan nila akong dalawa ng masama.
"Ayan ka na naman!" asar na sabi ni Bea.
"Hindi pwede na hindi ka sasama. Diba required daw at may grade 'yon?" sabi ni Akiko.
"E kahit naman sumama ako dun, 85 pa din ang grade ko." sabi ko at umiling si Bea. "Kung pinoproblema mo ang pambayad, ako na ang magbabayad." sabi ni Bea at umiling naman ako.
"Ayoko." sabi ni Bea.
"Ah! Ang tigas talaga ng ulo mo Aya." naiinis na sabi ni Akiko.
"Sumama ka na kung ayaw mong ibagsak kita."
Napatingin ako sa nagsalita at nagulat kami nina Akiko na kasabay namin na naglalakad ang ensemble pabalik sa building ng 4th year.
"Sinabi ko na sa 'yo, hindi ako sasama." seryosong sabi ko at nagkibit-balikat naman sa akin si Lincoln.
"Sinabihan na din kita, ako ang isa sa committee ng attendance ng school trip." sabi niya at kinindatan ako sabay alis.
Napahinga ako ng mabigat kasi sigurado akong ibabagsak talaga ako ng hinayupak na 'yun. Knowing Lincoln? He can do everything he wants in order to win.
"Sabi ko sa 'yo e. Sumama ka na." sabi ni Bea.
"Bahala na." sabi ko at nauna na pumasok sa classroom.
Dumating ang teacher namin para sa unang asignatura at hindi na ako nakausap ni Bea kasi alam niyang focus ako sa pag-aaral ngayon. Exam na din kasi namin bukas kaya kailangan ko mag-intindi.
"Kailangan ko ng magrereport next week para sa kwento ni Pyramus at Thisbe." sabi ni Ma'am Zeta, ang Filipino teacher namin.
Mythology ang topic ng subject namin ngayon kaya hindi na nakakapagtaka nang mabanggit niya ang tungkol kay Thisbe.. Kakatapos lang namin sa Philippine Mythology kaya siguro humihingi siya ng magrereport bilang halimbawa sa Greek Gods na sina Thisbe.
"Who is Miss Mendoza?" tanong niya at napatingin agad ako sa kaniya dahil ako agad ang natawag.
Ako pa talaga ang pinagreport niya? Ang bobo ko pa naman sa pagrereport. Asar!
"Ma'am!" nagtaas ako ng kamay at agad siyang lumingon sa akin.
"Okay, ang kapartner mo ay si Miss Manzano." sabi niya at napangiti ako kay Bea.
"Sige po Ma'am." sabi ni Bea at nag-kindatan kami ni Bea dahil mas napadali ang ibinigay niya na task sa amin.
"Kailangan ko ng visual aid para sa kwento ni Pyramus at ni Thisbe, please do that." sabi ni Ma'am Zeta.
Nag-discuss pa siya ng iba pang lesson samantalang kami naman ni Bea ay abala sa pagsusulat ng notes na maaaring lumabas sa exam. Madalas kasi ang mga idinidikta ni Ma'am Zeta ang nalabas sa exam at ni-isa sa mga photocopy na ibinigay niya ay hindi napapabilang sa mga test paper na pinapasagutan.
Lumipas ang isang oras at nagpaalam na sa amin si Ma'am Zeta. Ang kasunod na subject namin ay Mathematics, ang subject na hindi ko alam bakit ba nauso pa.
"Fifteen minutes na wala si Ma'am Rosas, baka naman absent." bulong sa akin ni Bea na katabi ko at nagkibit balikat ako.
"Sus! Kahit 10 minutes na lang ang natitira sa time niya kapag pumasok siya, magka-klase pa din 'yun." sabi ko at napakunot ang noo ko dahil nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin sa amin.
"Ano uli 'yun Miss?"
Namilog ang mata namin ni Bea nang makita namin si Ma'am Rosas na nasa likod ko. s**t! Narinig ba niya?
"A-Ah wala po." mahinang sabi ko at napapikit dahil ang taray ng mukha niya.
"Bakit naka-PE uniform ka? Diba Friday pa 'yan?" masungit na sabi niya at heto na nga, natusta na ako kasi talagang tatanongin ako ng tatanongin nito.
"S-Sorry po Ma'am. Wala po kasi akong extra na uniform, nasira po 'yun ginagamit ko." sabi ko at tumaas ang kilay ni Ma'am Rosas, hindi na naman naniniwala 'to sa ‘kin.
"You're not allowed to attend my class. Mauna ka na mag-lunch kung gusto mo. Absent ka ngayong araw." masungit na sabi niya at napasimangot ako.
Lumakad na siya paunahan at nagsimulang magdiscuss, samantalang ako.. pinalabas niya ng classroom. Sabi ko na nga ba! May makakapansin ng uniform ko.Naglakad ako papunta sa canteen at nagsend ako ng message sa group chat namin nina Akiko na magkita nalang kami sa canteen.
Habang naglalakad ako, nagreply agad si Akiko at si Bea.
Akiko: bakit nandyan ka na agad? Ang aga mo naman
Bea: Pinalabas siya sa room
Akiko: Ohh! Sige magkita nalang tayo mamaya.
Hindi ako nag-reply sa messages nila at pumunta na agad ako ng canteen. Tumambay ako sa loob pero hindi ako bumili ng pagkain. Hihintayin ko nalang sila bago ako kumain.
Nagbasa-basa muna ako ng mga balita sa Phoenix Underground group at wala naman masayadong balita ngayon bukod sa puro tungkol sa nsum o ang article ng mga nagpopost sa group.
Napatigil ako sa pagse-cellphone nang dumating si Calvin at si Mikko sa harapan ko. Napakunot ang noo ko dahil sa lamesa na pinupwestohan ko sila naupo at parehas silang nakangiti sa akin.
"B-Bakit?" kunot-noong tanong ko.
Ngumiti naman sila sa akin at tumingin sa akin si Calvin. "Hinihintay ka ni Link sa may office ng property department." sabi niya.
"Para saan?" tanong ko at nagkibit-balikat si Calvin at siniko si Mikko.
"A-Ah ano, kapag daw wala ka pa dun sa loob ng limang minuto, sesante ka na daw." sabi nito kaya dali-dali akong umalis sa harapan nila.
Sa tulad ni Lincoln, walang joke sa kaniya. Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. At baka nga kinabukasan, wala na akong trabaho. Lalo pa ngayon, hindi naman ganoon ka-alam ni Ma’am Lynne anong nangyayari ngayon dito sa bahay nila sa Pinas.
Nakasimangot akong tumakbo papunta sa admin building at umakyat sa hagdan dahil kasama ng mga club rooms ang opisina ng property department. Nakita ko si Lincoln na nakasandal sa dingding habang naka-cross arms at nakakunot ang noo.
Lumapit ako sa kaniya na humihingal at tiningnan niya ako ng masama.
"Late ka ng 20 seconds, nananadya ka ano?" asar na sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Hinihingal ako at mukha akong nagmadali kaya ‘wag mo ‘kong galitan. Sesantehin mo ‘ko bahala ka." bawi ko at napangisi siya.
"Kapag tinanggal kita, kaya ba ng konsensya mo na hindi ka bayad sa utang na loob mo?" sabi niya at napatahimik ako.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko.
"Pumasok ka na sa loob at naghihintay na sa loob ang officer."
"Para saan?"
Ano kayang balak nito ni Lincoln? At bigla na naman akong nautusan na pumunta sa department na 'to.
"Para sa uniform mo." seryosong sabi niya at nilayasan ako.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Sa property department nagpapagawa ng uniform ng school at ngayon lang nag-sync in sa utak ko na susukatan nga ata ako.. pero mukhang bawas sa sweldo ko 'to.
"Miss Mendoza, pasok ka na sa loob."
Napatingin ako sa babae na lumabas ng pinto at mukhang alam na niya na ako ang papasukatan ng masungit na lalaki. Sumunod ako sa kaniya at nakangiti sa akin ang babae habang sinusukatan ako.
"Boyfriend mo ba si Mr. Gonzales?" tanong niya at umiling ako.
"Hindi po." sabi ko. "Amo ko siya." dagdag ko at namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"A-Ano uli?"
"Serbidora po ako sa bahay nila, housemaid." sabi ko at napa-ah naman siya.
"Akala ko boyfriend mo siya.. pinakita niya kasi ang picture mo na nasa phone niya." sabi niya at tumigil sa pagsusukat sa akin. Picture sa cellphone niya? Sigurado akong pangit ang ipinakita niya. Hay naku!
Binitawan niya ang medida at may isinulat sa papel sabay bigay sa akin.
"Hindi ho, wala akong balak." determinadong sabi ko at napailing siya.
"Itago mo 'tong papel na 'to para makuha mo ang uniform sa susunod na linggo." sabi niya at napatango naman ako.
"Ilan uniform po ba 'yun?" tanong ko at tiningnan niya ang record niya sa akin na may pirma ni Lincoln kaya napakunot ako ng noo.
"Sabi ni Mr. Gonzales, apat daw ang ipapagawa niya." sabi niya at napanganga ako.
"A-Ano po?!"
Ang gago naman ni Link. Wala akong pambayad!
"Ah, 'wag ka mag-alala. Paid na 'to." sabi niya.
"T-Thank you po." sabi ko at nagmadaling tumakbo palabas.
Tumatajbo ako pababa ng hagdan hanggang sa makalabas ako ng building. Tumingin ako sa paligid baka sakaling nasa paligid si Lincoln para magtanong sa kaniya kung bakit ang dami niyang pinagawa. Ang mahal pa naman ng isang uniform. Nasa 980 pesos ang isang set ng uniform namin at kulang na kulang ang pera mula sa sahod ko kung sakali na apat nga ang ipinagawa niya.
Nakasimangot ako na naglalakad pabalik sa canteen. Naka-PE uniform ako kaya mas madali akong mahahanap nina Akiko lalo na at dumadami na ang estudyante sa loob. Kalahating oras nalang at magsisimula na ang lunch break. Naghanap na agad ako ng pwesto at nag-check ako ng phone.
Naupo ako sa inuupuan ko kanina dahil nakita kong bakante ito at wala na sina Calvin sa pwestong 'yon. Nakita ko naman sina Bea na kakapasok lang ng entrance ng canteen, Lumapit sila sa akin na may ngiti sa labi samantalang ako ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Anong problema mo? Iniisip mo pa din ba ang ginawa ni Ma'am Rosas?" sabi ni Bea at umiling ako.
"Ang laki ng utang ko sa school." malungkot na sabi ko at nagtaka silang dalawa.
"Utang saan?" tanong ni Bea.
"Mayroon ka bang backlog sa bayarin?" tanong ni Akiko.
"Kailangan ko ng mahigit three thousand." sabi ko at napanganga silang dalawa. "Para saan?" sabi ni Bea.
"Nagpasukat ako ng uniform kanina tapos sabi nung babae apat daw ang darating na uniform next week." sabi ko.
"Ha? E diba may sasagutan muna na fill-up form bago ka sukatan? Edi dapat hindi apat ang inilagay mo." seryosong sabi ni Bea at umiling naman ako.
"Hindi nga ako ang nag-fill up, iyon ang problema ko." sabi ko.
"Ha? Hindi na kita naiintindihan girl. Ikwento mo naman ng buo." sabi ni Akiko.
"Si Lin-"
"Ako ang nag-fill up ng form. Umisod ka."
Napatigil kami sa pag-uusap nina Akiko nang sumulpot si Lincoln sa gilid ko at inuutusan ako na umisod. Nakita ko si Mikko, si Calvin, at si Edson na nakabuntot sa kaniya at may dalang tray ng pagkain.
"Anong ginagawa mo Link? Pwesto namin 'to." masungit na sabi ni Akiko at sinamaan ng tingin ang kapatid niya.
"Makiki-table kami. As you can see, puno na sa iba." sabi ni Link at dali-dali akong umisod kasi uupo din sina Edson.
Naupo sina Mikko sa tabi nina Akiko at naging pito na kami sa lamesa.
Imbis na nasa harap ko si Akiko at si Bea, nabago ang itsura. Nasa harap ko si Calvin, si Mikko, si Bea, at si Akiko. Samantalang katabi ko naman si Edson na nasa kaliwa ko at si Lincoln na nasa kanan ko. Bakit ba kasi pang-walohan ang napili namin na pwesto? Hay nako.
"T-Teka nga nawawala tayo sa totoong topic natin eh." asar na sabi ni Bea at tumango naman kami ni Akiko bilang pag-agree.
"Anong sinabi mo na ikaw ang nag-fill up?" tanong ni Akiko sa kapatid niya.
"Ako ang nag-order sa department na apat ang uniform ni Pangit." sabi ni Lincoln at sinamaan ko siya ng tingin dahil tinawag na naman niya akong pangit.
"What? Hindi ka talaga nag-iisip Link. Walang pambayad si Aya!" sabi ni Bea.
"Hindi ko naman siya pinagbabayad at saka mukha ba akong naniningil? I paid for those para may magamit siya." bawi ni Lincoln at nasamid ako kahit na wala naman akong isinubo.
"B-Bawas na naman ang sahod ko! Hindi ko pa nga nahahawakan e!" asar na sabi ko at tumayo sa monoblock na inuupuan ko.
"Bakit? May sinabi ba ako na bayaran mo?" seryosong sabi niya at tiningnan niya ako ng masama.
Napakunot ang noo namin tatlong babae samantalang sina Calvin ay kumakain at may sariling pinag-uusapan. Para bang alam na nila ang pinaplano ni Lincoln.
"Imbis na mag-thank you ka, 'yan ang naririnig ko sa 'yo. Ahh. Ang pangit mo talaga." asar na sabi ni Lincoln at hindi na ako pinansin.
Lumipat kami ng pwesto nina Bea pagkatapos namin bumili ng pagkain at hindi na kami bumalik sa pwesto nina Lincoln. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ni Lincoln. Araw-araw masama ang ugali niya, may oras din naman na ang bait-bait. Nakakaasar na! Nakakaubos ng pasensya.
"Aya, may bibigay nga pala ako sa 'yo." sabi ni Bea at napatingin ako sa kaniya.
"Binilhan ka namin ng skin care products." sabi ni Akiko at napakunot ang noo ko.
"Libre ba ‘yan?" sabi ko at sumimangot naman silang dalawa.
"Hindi naman namin pinapabayaran." sabi ni Bea at tumango si Akiko. "Saka, bakit lagi mo iniisip ang pambayad? Sinisingil ka ba namin?" nakakunot noong sabi ni Akiko.
Napahinga ako ng malalim dahil mukhang naiinis na sila. Oo na, lagi nalang lumalabas sa bibig ko kung magkano ang babayaran ko o kung may kailangan ba ako bayaran.
"Masisisi niyo ba ako? Hindi naman ako kasing-mapera niyo." sabi ko at sumimangot silang dalawa.
"Hay nako! Aya, gusto na kita sabunutan." sabi ni Akiko at napatingin naman ako sa kaniya.
"Hindi lahat ng binibigay sa 'yo ay kailangan mo bayaran. Magkaiba 'yun nagbabayad ka ng utang na loob sa nabibigyan ka ng kusa." seryosong sabi ni Bea at natahimik kaming tatlo.
***
Kakatapos lang namin maghapunan at nagliligpit na ako sa kusina para mamaya ay makapag-review na ako para sa kinabukasan na exam namin. Habang naghuhugas ako ng plato sa lababo, dumating si Alexander sa kusina at umupo ito sa bar stool.
"Ate Aya." tawag niya.
"Hmm?"
"Ate Aya, ito na 'yun hinihingi mo." sabi niya at lumingon ako sa kaniya saglit. "May itatanong pala ako sa 'yo Alexander." sabi ko at ngumuso siya sa akin.
Pinatay ko ang gripo pagkatapos ko banlawan ang huling plato at humarap na ako sa kaniya. "Bakit mo ba nagustuhan ang pagbibigyan mo?" tanong ko at napangiti naman siya sa akin.
"Kahit hindi kagandahan ang babaeng nagustuhan ko, marunong siya maka-appreciate." sabi niya at napatango naman ako.
"Ang pagbibigyan mo ba nung love letter ay 'yun kaklase mong ginupit mo ang ribbon?" tanong ko at tumango si Alexander.
"Ate, kapag sinagot niya ako. Bibigyan kita ng gusto mo." nakangiting sabi ni Alexander at tinanggap ko ang papel na iniaabot niya.
"Mag-aral ka lang ng mabuti, 'yun lang ang gusto ko." sabi ko at hinaplos ang ulo niya.
"Ate, ang bait mo sana kaso.." sabi niya at napakunot ang noo ko dahil pinutol niya ang sasabihin niya.
Lumayo siya sa akin at naglakad palabas ng kusina pero bago siya lumabas ay lumingon ulit siya sa akin.
"Ang pangit mo!" natatawang sabi niya kaya bigla akong nainis.
"SETH ALEXANDER!" sigaw ko at tumatawa siyang tumakbo palayo.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nagsimulang mag-review. Itinabi ko muna ang papel na ibinigay sa akin ni Alexander without reading it. Wala pa akong time para gawin ang pinapagawa niya tutal sabi naman niya, anytime.
Nagreview ako sa Mathematics dahil nakakopya na ako ng notes kay Bea kanina. Minsan kapag minamalas ka, saktong exam bukas sa Math tapos bigla kang palalabasin ng classroom kasi hindi ka nakauniform.
Mabuti nalang talaga kapag exam, required na naka-PE Uniform. Hindi ko din alam bakit ganito sa Phoenix pero okay na din kasi mas komportable magsagot.
Abalang-abala ako sa pag-aaral nang mapasilip ako cellphone ko at alas dose na ng madaling araw. Isinara ko ang notebook ko at lumabas ako ng kwarto ko. Bubuksan ko sana ang ref nang makita ko si Lincoln na nakatayo sa may pintuan.
"A-AH! Anong ginagawa mo dyan?!" takot na takot na sabi ko sa kaniya. Patay ang ilaw tapos nakatayo siya doon na parang serial killer.
"Kailangan ko na pala sa Wednesday 'yun hinihingi ko." sabi niya at napanganga ako.
"Ang aga! Diba sabi mo Thursday?" sabi ko at umiling siya.
"Kailangan ko pa practice-in ang ibibigay mo. Malay ko ba kung maganda ang ibibigay mo sa akin na lyrics." sabi niya at napasimangot ako.
Bakit niya kasi sa akin pinapagawa? E hindi naman ako magaling sa music.
"Ah bahala ka. Basta kapag pangit 'yun lyrics, huwag mo ako aawayin." sabi ko at padabog na pumasok uli sa kwarto ko.
Haaa!
Ano ba 'tong puso ko? Ayaw tumigil.
Simula nang halikan ako ni Lincoln sa may hagdan, hindi na tumigil ang puso ko kakatibok. Hindi ko alam kung bakit. Hindi nga ba?