ABALA ang mga tao sa mansyon dahil sa gaganapin na ika-18th birthday ng kaisa-isang anak ng mag-asawang Don Rafael at Donya Amelia Mondragon. Ang mga maids ay kaniya-kaniyang nakahilera sa pagbaba ni señorita Soledad matapos itong mapaliguan.
“Si daddy dumating na po ba?” magalang niyang tanong sa mayordoma.
“Pauwi na ang ama mo, señorita. Medyo mala-late lang daw pero ang importante ay darating.” Tugon ng mayordoma at hindi kumibo ang dalagita at nanatili lang nakatingin sa harap ng salamin. Sanay na siya na sa tuwing may mga mahahalagang araw ay hindi nakakarating ang ama dahil mas mahalaga dito ang trabaho kaysa sa kaniyang kaisa-isang anak. Magmula ng mamatay ang mommy niya ay palagi na lang nakatuon sa mga negosyo nila ang ama. Sa isang taon ay masuwerte na ang isa o dalawang beses na magkita sila at mabilisan pa.
“Simulan na ang party, hindi na ako aasa na makakarating si dad.” Malungkot na tugon ng dalagita at agad siyang inayosan ng make-up artist. Sa susunod na taon ay magtatapos na siya sa kolehiyo at iyon na ang pagkakataon iyon upang makalaya at makipagsalaparan sa labas. Napapagod na siya humawak ng libro at magkulong sa kuwarto o ‘di kaya sa library ni hindi siya nakakita ng ibang tao dahil ang kaniyang silid aralan ay kumpleto sa gamit at may mga private professor siya at online class pa. Nagsasawa na siya mga mukha ng mga tao sa mansyon, gusto niyang makakita ng ibang mukha.
“Napakaganda n’yo ho talaga señorita Eda,” papuri ng babae at tamad niya lang sinuri ang mukha sa salamin. Maging sarili niyang mukha ay nagsasawa na siya.
Tumayo siya at agad siyang dinaluhan ng mga maids at tinulungan siyang makapagbihis ng itim na gown.
“Bakit ho ito ang napili ninyo señorita, ang habilin ng inyong ama ay dapat kulay pulang gown o kaya ay gold.” Saad ng isang maid.
“Wala ang ama ko kaya ako ang masusunod.” Walang buhay niyang sagot. Kung maari lang ay ayaw niya nang magdiwang ng ika-18th birthday pero ito ay pagbigay pugay at respeto sa yumao niyang ina.
Nakaupo lang si Soledad sa gintong chair habang nakatayo ang mga maids sa likod niya at nagkakasiyahan ang mga guwardya.
“Saluhan ninyo ang mga bantay.” Utos niya sa mga maids at agad na natuwa ang mga ito at nagtungo sa gitna kung saan ay nag-iinuman at nagkakantahan ang mga bantay.
“Hindi ba ninyo narinig ang aking sinabi?” baling niya sa tatlong babaeng nanatili sa likod niya.
“Ipagpaumanhin ninyo señorita sapagkat nais namin na bantayan ka.” Magkakasabay na tugon ng tatlong babae.
Napatingin sa kaniya ang mayordoma na ito lang ang tahimik sa gelid sapagkat may katandaan na kaya hindi na kaya ng tuhod nitong makipagsabayan sa mga kabataan.
Hindi inabutan ng trenta minutos ang mga tauhan at lahat ay bumula ang bibig. Napatayo si Soledad sa kaniyang nakita sapagkat hindi tama ang nangyayari.
“Melinda—“natigil ang sasabihin niya nang hawak sa leeg si Melinda ng isang hindi kilalang lalaki.
Napatayo siya at doon niya pa lang nakita na pati pala ang tatlong babae ay nakagapos ang paa at kamay at may busal sa bibig.
“Ano ang kailangan mo? Pera? ginto? Diam—“
“Ibigay mo sa akin lahat ng pera at ginto ninyo.” Nakangisi ang lalaki. Hindi ito napansin ng mga bantay dahil kapareha ang uniporme ng lalaki at ng mga bantay. Nalinlang sila. Hindi natakot ang dalagita dahil magaling siya sa taekwondo at kaya niyang patumbahin ng isang iglap ang lalaki.
“Bitawan mo siya at susunod ako sa iyo.” Sabi niya at sinunod naman ng lalaki ang sinabi niya. Tinutukan siya ng baril at nakataas lang ang dalawa niyang kamay hanggang sa dahan-dahan siyang naglakad patungo sa isang silid kung nasaan ay naroon ang vault na naglalaman ng mga kayamanan nila. Ngunit bago pa sila makarating ay naghubad ng gown ang dalaga at napatingin sa kabuuan niya ang lalaki.
“Remove that all!” sumilay ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki at walang pagdadalawang isip na hinubad ng dalagita ang lahat ng saplot at biglang tumulo ang laway ng lalaki at nalingat ito sa napakagandang alindog ng dalaga at nakuha iyon na paraan ng dalaga at nasipa niya ang nakatutok nitong baril. Tumilapon ang baril sa gelid at susuntokin din sana siya ng lalaki nang biglang humandusay ang lalaki nang sunod-sunod itong natamaan ng baril. Napalingon ang dalaga sa pinangalingan ng putok at tumambad sa kaniya ang isang matangkad na lalaki.
“Takbo señorita!”
Napalingon ang dalaga kay nanay Melinda at napalingon din siya sa lalaki at kinuha nito ang inumin sa lamesa at umupo sa upuan at nakadekuwatrong umupo habang tumatagay ng alak at tila sinisimsim ng lalaki ang alak sa lalamunan nito dahil napapatingala pa ang lalaki.
“Takbo señorita Soledad, takbo!” sigaw ni nanay Melinda at bigla na lang siyang umiyak sa takot. Tumalon siya sa bintana at nasagip siya ng damo sa likod ng mansyon kaya namilipit siya sa sakit. Hindi siya nakagalaw nang maayos at saka pa lang siya umiyak at tinatawag ang ama. Nang marinig niya ang alulong ng aso ay saka pa lang siya bumangon at kahit masakit ang mga binti niya ay sinubukan niya pa rin tumakbo, kailangan niyang makatakas.