CHAPTER 2

1839 Words
Chapter 2 BRAZE I don't know how many slaps I received... Ilang beses na ba akong nasampal ng mga babae, Ilang beses na ba akong nasabihan na Malandi? I can't count it. "Paano mo nagagawa na pumatol sa may asawa!?" Galit na galit na tanong saakin ni Mrs.Santiago saakin habang hawak hawak siya ng handler ko. Buti nalang at walang masyadong tao dito sa Restaurant na Kinalalagyan namin, Dahil wala akong mukang maihaharap sakanila kung nagkataon. Nang sabihin ni Ric na may Dinner ako with Mrs.Santiago, Alam ko na Ito ang mangyayari. "Bakit hindi ka mag salita?! Mala-ndi ka!" Dagdag pa ng babae bago ito nakawala kay Ric, Hindi ako nakagalaw at napakagat nalang ng labi ng sabunutan nanaman ako ng babae. Sobrang sakit sa anit, fu-ck kung Inosente lang ako ay baka lumaban na ako sakanya! Pero wala akong karapatan na manglaban dahil totoo naman ang sinasabi niya, I had S-ex with her husband. Hindi naman dahil sa gusto ko, Kundi dahil Yoon ang utos saakin ng Boss. I Can't say no to them, Hawak nila ang buhay ko. "Magsalita kang babae ka! Wag kang tumahimik lang diyan!" Malakas akong nasampal nito kaya naman napabiling ang muka ko. Sa-sana tigilan na niya ako, Namamamhid na ang muka ko kakasampal niya. Napaatras ako ng Isang beses ng Akmang sasampalin muli ako ni Mrs.Santiago, Hinintay ko ang ag tama ng palad niya sa pisngi ko pero, Nakalipas na ang Ilang segundi wala parin. Anong nangyari? Bakit hindi niya tinuloy? Nag angat ako ng tingin upang makita kung bakit hindi niya ako nasampal. "Ba-bakit ginawa mo yun? A-alam mo ba kung gaano kasakit para saamin ng mga a-anak ko na malaman na may iba yung daddy nila?" Fu-ck hindi ko kayang titigan ito... Nakaluhod si Mrs.Santiago sa harapan ko, Ang kaninang umuusok sa galit nitong muka ay napalitan ng pag mamakaawa at Luha. Nasasaktan ako, Nadudurog ang puso ko dahil dito sa nakikita ko! Ba-bakit ba ako ang kailangan magdusa sa kasalanan ng iba?! Hindi ko rin naman ginusto yung nangyari... Wala akong choice! Hindi ko gustong manira ng Relasyon ng ibang tao. "Sa-Sabihin mo kung anong kailangan mo para tigilan mo na ang Asawa ko!" Sunod sunod akong napailing at akmang hahawakan ko na si Mrs.Santiago ng umalingawngaw ang Isang pamilyar na boses. "Don't touch my wife!" Hindi ako pwedeng magkamali, Kabisado ko ang boses ng Hay-op na yon! Hinding hindi ko makakalimutan yung tono ng pananalita niya at ang boses niya na mas nakapag padagdag ng bangungot ko nang gabing iyon. Kuyom ang kamao kong tinignan ang lalaki at Hindi na ako nagulat ng makita itong masamang nakatingin saakin. "Celia bakit ba nakipag kita ka sakanya?!" Galit niyang tanong sa Asawa, Hindi ako nakapag salita ng mahigpit niyang hawakan sa Braso si Mrs.Santiago atsaka nito Hinila pataas ang babae. Hindi man lang niya iangat ng maingat ang asawa niya, Halata ngang dem-onyo ang lalaking to. "Nasasaktan ako!" Sigaw ni Mrs.Santiago sabay palis sa kamay ni Mr.Santiago na nakahawak sa braso niya. Napaawang ang labi ko at natahimik ang paligid ng Bigla nalang Sampalin ni Mr.Santiago ang Asawa niya. Umalingawngaw ang tunog niyon at Masasabi kong malakas ang pagkaka sampal na iyon dahil mapabilingang muka ng babae. Pa-paano ito nagagawa ng lalaking ito?! Wa-walang awa siya! Akmang susugurin ko na si Mr.Santiago ng Hawakan ako ni Ric sa braso. "Please braze wag ka ng makialam!" Madiing Singhal saakin ng handler habang puno ng takot na makatitig kay Mr.Santiago. Paanong hindi ako makikialam dito?! Babae si Mrs.santiago! Ayokong nakakakita ng ibang babae na sinasaktan sa harapan ko mismo! "Diba sinabi ko wag na wag mo kong pakikialamanan?!" Gigil na sigaw ni Mr.Santiago bago nito binigyan ng Suntok sa sikmura ang babae. Agad kong kinuha ang cellphone. I opened the camera of my phone---Tinutok ko ito kay Mr.santiago bago ko buong tapang na Nilapitan ang lalaki. "Sige ituloy mo yang pambubugbog mo sa Asawa mo!" Napahinto si Mr.Santiago at nanlilisik ang mga mata nitong napatingin saakin. Akala ba niya Papayag ako na saktan niya ng sobra ang Asawa niya? Okay lang saakin na ako ang saktan at tapakan, Pero ang makita na may sinasaktan siya...hinding hindi ko matitiis na hindi tumulong! Hindi niya ako masasaktan kung alam niya na may hawak akong camera. "Nakavideo ka at sa oras na saktan ko ulit kami, sisiguraduhin kong sisikat ka!" Nagtagis ang bagang ng lalaki senyales na naiinis na ito saamin. "Itigil mo yan braze, Pinagtatanggol kita!" Marahas akong napailing habang pilit kong pinatatag ang mga kamay kong nanginginig dahil sa takot. "Hin-Hindi kita kailangan!" Sigaw ko sakanya dahilan para mapatigil ito bago unti unting ngumisi. "sigurado ka ba diyan? Baka nakakalimutan mo na Pagmamay ari ko ang kumpanya na sumusuporta sayo!" Lihim akong napatingin kay Mrs.Santiago na namamalipit parin sa sakit dahil sa ginawang pag suntok ng lalaki sa sikmura niya. Ito na nga ba ang Sinasabi ko...tatakutin nila ako sa Oras na manlaban ako. Isa lang si Mr.Santiago sa mga kumpanya na sumusuporta sa career ko bilang isang model at actress. Isa lang siya sa pwedeng Manakit saakin kung sakaling tataliwas ako sa gusto nila, Pero... Hindi ko na kaya! Puno ng tapang kong tinitigan ang lalaki bago ko pinakawalan ang mga katagang alam kong pagsisihan ko sa huli. "Wala akong pakialam sa kumpanya mo, Sa totoo nga niyan pwede kong isiwalat lahat ng baho mo ngayon para magkita kita tayong lahat sa kulungan." Nawala ang ngisi sa muka ng lalaki ng sabihin ko yun, Akala ba niya magpapahuli ako? Nagkakamali siya... "Pwedeng pwede kitang pabagsakin sa Isang Iglap Mr.santiago, Kaya kung ako sayo aalis na ako ngayon dito ng tahimik at walang ginagawang kahit na anong gulo" Nag tiim bagang naman ang lalaki ngunit sa pagkakataong ito kulang nalang ay mabali ang buto niya sa sobrang gigil saakin. Napakatalim ng mga titig niya kaya naman mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Natatakot na ako sa pwede niyang gawin sa buhay ko pero ayoko ng maging duwag. Lihim akong nag bunyi ng Padabog na tumalikod ang lalaki at lumakad paalis. Buti nga at natakot siya kahit papaano... Inend ko na ang video at Nanghihinang napasalampak sa sahig kung saan nakahiga si Mrs.Santiago. Nakatitig saakin ang babae---Parang Inaaanalisa ang Muka ko at Tila may hinahanap na kung ano. Nagtataka siguro siya kung bakit imbes na lumingkis sa Asawa niya ay mas pinili kong Ipagtanggol siya. Sino nga naman bang kabet ang Ipagtatanggol ang Asawa ng lalaki niya? Napangiti ako kay Mrs.Santiago, Mukang unti unti ng nawawala ang sakit sa sikmura niya. Buti naman... "Braze halika na, Umalis na tayo dito!" Aya saakin ni ric na Halatang tensyonado sa nangyari ngayon-Ngayon lang. Mukang kailangan ko na nga talagang umalis sa lugar na ito, Kaya binigyan ko nalang si Mrs. Santiago ng Isang tipid na ngiti. "Hindi ko gusto yung ginawa ko, Hindi ko kontrolado ang mga desisyon ko sa buhay pero Gusto kong mag sorry" Hindi sumagot si Mrs.Santiago kaya naman Tumango nalang ako sakanya bago Pilit na tumayo. "Halika na!" Tarantang Usal ni Ric bago ako hinawakan sa braso ay Inalalayan na maglakad palayo sa babae. "Natatakot ako sa pinag gagawa mong babae ka!" Sermon saakin ng handler ng makapasok kami sa kotse. Sino ba naman ang hindi matatakot kung Isang mayaman at makapangyarihang businessman ang nakasagupa namin kanina? Miski ako ay nanghina dahil sa ginawa ko...hindi ko Ineexpect na makakatayo ako ng ganoon ang masisigawan ko ang demo-nyong lalaking yon. "Wag mo ng uulitin yon ha!" Hindi ko pinansin si Ric, Nakatuon lang ang pansin ko sa daan ba tinatahak namin. Palubog na ang Araw... Napaka payapa ng Paligid ko pwera nalang sa Handler ko na Nararamdaman niya kanina ang Sinesermon saakin. Bahagya akong napangiti ng maalala kung anong klaseng pakiramdam ang Nalasap ko ng labanan ko ang Isa sa mga Umabuso saakin. Ang saya... Ang sarap sa pakiramdam na tumayo para sa sarili ko. "Diyos ko kung alam mo lang kung anong naramdaman ko ng Titigan tayo ng ganoon ng lalaking yon!" Rinig ko pang reklamo ni Ric na hindi parin mapalagay sa upuan niya. Naalala ko kung paano mainis saakin si Mr.Santiago,Napaka sarap titigan ng galit na galit niyang mga mata. "Hindi na tayo makikipag usap sa la-" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng sa Isang iglap lang ay napuno ng Putok ng baril ang paligid. Gumeywang ang kotseng sinasakyan ko at halos mawala na ako sa sarili ng biglang lumupasay ang handler ko bago ko naramdaman ang masakit na pag tama ng kung ano sa aking balikat. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw bago ang pag lamon ng malakas na Impact sa katawan ko. Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari dahil unti unti na akong nilamon ng dilim kasabay ng matinding pagsakit ng braso at ulo ko... °°° "Kilala ko kung sino ang pumatay kay ric at sa driver ko..." Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko, Habang nakatulala ako sa telebisyon na nasa harapan ko. Nakaligtas ako sa nangyaring pag ambush saamin---Pero hindi nakaligtas ang handler ko at ang driver ng kotse. Panandaliang kasayahan lang yung nalasap ko, Konting Paglaban lang pero Dalawang buhay na agad ang kinuha nila saakin. Hindi ko matanggap... Namatay sila dahil saakin! "Ma'am you need to rest, Hindi makakabuti k-" Masama kong tinignan ang nurse dahilan para mapatigil siya. Ba-Bakit ba kasi binuhay pa nila ako?! Bakit ako pa ang natira?! Muling nag uunahang tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa balita na nasa Telebisyon. Isang oras ng magising ako, Isang oras ng malaman ko kung ano ang nangyari. Dead on arrival na daw ang dalawa habang ako nagawa pa nilang mailigtas. Da-Dapat pinabayaan nalang nila ako! "U-Umalis ka muna please" Pagmamakaawa ko sa nurse na tumango lang saakin bago tahimik na umalis sa kwarto ko. Wala na si ric... Ano ng gagawin ko?! May nadamay na inosente dahil sa Kagustuhan kong lumaban! Parang ilang minuto lang ng Marinig ko ang boses ni ric... Bakit ganito kadaling kumitil ng buhay ng tao? Para bang diyos sila na nagdudikta kung kailan mamatay ang Isang nilalang. Pinunasan ko ang luha ko bago napatingin sa cellphone na kanina pa tumutunog. Dinudumog na ako ng mga media at kung sino sino---Pero ang mga magulang ko hindi man lang ako magawang itext o tawagan. Ang saya lang talaga! Puno ng luha kong kinuha ang telepono at sinagot ang tawag ng kung sino. "Nagustuhan mo ba ang parusa ko sayo hmmm?" Kilala ko na kung sino ang may ari ng boses. "Ha-hayop ka!" Kulang nalang ay lumabas ang lalamunan ko dahil sa lakas ng sigaw ko, Kung tutuusin kulang pa iyon para sa Galit na nararamdaman ko. "Ha-hayop ka!mabubulok ka sa Impyerno! Kayong lahat!" Hindi ko ininda ang pagsakit ng sugat ko. Mas lalo lang akong nagalit ng marinig ang tawa ng lalaki sa kabilang Linya. Sayang saya pa siya sa nangyari kay Ric, Nakakatawa pa siya sa kabila ng ginawa niya hayop talaga siya! "Braze...Kung sana naging mabait ka edi nakauwi kayo ng tahimik at walang pinorpoblema, Ikaw lang naman kasi ang dahilan kaya nagawa ko yan" Napasigaw ako ng malakas sabay tapon sa teleponong hawak ko. Tumama iyon sa pader kaya naman nagkawasak wasak iyon. Hindi ako makapaniwala na gagawin talaga niya ito! Hindi ko inaakala na mangyayari ang trahedyang ito, Lumaban lang naman ako... Ano bang mali sa ginawa ko?! Gusto kong ipagtanggol ang iba at ang sarili ko perobakit nauwi sa p*****n? Patuliy sa pag buos ang masaganang luha sa pagod na pagod kong muka.Hindi mawala wala ang sakit at hapdi sa puso ko lalo na sa tuwing maalala ko ang pangalan ng taong namatay dahil saakin. Dahil sa kakarampot na kalayaan na natamasa ko ang kapalit ay Pang habang buhay na Kalayaan ni ric na siyang nakakita sa bawat pinagdaanan kong hirap. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD