Marahil dala ng pagod sa byahe ay late na silang gumising ng kaibigan, pasado alas-otso na ng tingnan niya ang relong pambisig. Pagkatapos maligo ay niyaya na niya si Suseth lumabas na noo’y katatapos lang maghilamos at humihikab-hikab pa. Naabutan nila ang grupong nakatambay sa may tabi ng pool habang busy sa kanya-kanyang ginagawa.Ang magkasintahang Richmond at Jewel ay naglalampungan sa may lounger, habang ang kaibigang si Jiselle at Brix ay nagtatalo na naman sa kabilang gilid.Nakita pa niya ang pag-irap ni Jiselle sa kaibigang lalaki na pasimple niyang ikinatawa.Palaging aso’t pusa ang dalawa pero nakikita niya kung paano protektahan ng dalawa ang bawat isa.Hindi na siya magtataka kung balang-araw ay umamin ang mga ito. Sa pool ay naglalangoy ang ex niya samantalang nag che-cheer an

