Chapter 10

1047 Words
Agad siyang nagpalit ng pambahay at nagtungo sa kusina upang makapagluto. Napagpasyahan niyang adobo ang iluto sa gabing iyon. Marami siyang alam na lutuin pero nais niyang ipatikim ang signature dish niya at ang kauna-unahang putahe na namaster niyang iluto kay Zach. Alas-siyete na ng matapos siyang magluto. Nakapaghain na siya at iniintay ang binata para sabay silang maghapunan ngunit tatlong oras na ang dumaan ay di pa rin ito dumarating.Nawalan na siya ng ganang kumain kaya tinakpan na lang niya ito. “I bet naghapunan na siya sa labas, napakasinungaling, makakatikim talaga siya sa akin!”, nangingitngit na wika niya sa sarili “Hindi naman niya sinabing sabay kayong maghapunan Savvy, ang sabi niya see you later hindi eat with you later hahahah”, pang-aasar ng utak niya. “Hmmp, basta naiirita ako, di sana nagtext siya manlang diba para hindi ako mukhang tanga na nag-aantay”,. Teka, bakit tunog asawa ang dating sa kanya ng mga naiisip. Bakit nga ba siya naiiinis , dati nga kahit hindi sila sabay kumain ng ama ay madalang niya itong hanapin. Bakit ang lalaking wala pang isang lingo niyang kasama ay hinahanap ng presensiya niya. Napailing na lang siya.Isa pa wala pa nga sa kanya ang number ng telepono ng lalaki , bakit naman niya aasahang magtetext ito. “At may balak ka talagang hingin huh?”, sabi ng kanyang utak “Hindi noh, asa !” Dahil hindi pa inaantok , napagpasyahan na lang niyang mag movie marathon sa kwarto. Bitbit ang iba’t-ibang uri ng chips at softdrinks ay umupo siya sa sofa na naroon. Malawak ang kanyang kwarto, sapagkat nang magkaisip siya’y, iminungkahi niya sa ama na iparenovate ito at siya mismo ang nag-arange ng lahat sa ayos na gusto niya. She has her own mini-set of sofa sa kanyang kwarto. A small refrigerator on it’s side na hindi pa niya ulit nalalamanan dahil kapapamili pa lang niya, A big flat screen TV, of course her queen size bed na kasya ang apat na tao and a bookshelf kung saan nakalagay ang iba’t ibang collection niya ng romance pocketbooks mula sa mga paborito niyang author locally ang internationally. She is wiping her tears while watching “A walk to Remember”, ilang beses na niya itong pinanood pero heto siya at iniiyakan pa rin ang bawat eksena sa pelikula. Nakapatay ang kanyang ilaw at todo emote siya ng makarinig siya ng mahihinang katok sa labas pagkatapos ay nagsalita si Zach. “Addy, are you asleep already?” Hindi siya umimik, bumalik sa isipan ang pag-iintay niya dito kanina, muling umahon ang inis niya para sa binata. “I’m sorry baby, nagyaya ang ilang investors na kumain sa labas pagkatapos ng board meeting namin kanina kaya di ako agad nakauwi. Are you mad?, have you eaten?” Muli, hindi siya tumugon, pinatay lang niya ang TV. Muling nagsalita ang binata. “I’m sorry, promise babawi ako sayo, goodnight baby, see you tomorrow”. “Bawian mo mukha mo,”, ngitngit niya sa isip. Dahil nawalan na ng gana sa pinapanood ay humiga na lang siya sa kama at hindi namalayang nakatulog na siya. Maaga siyang nagising kinabukasan. She decided to take a dip on their pool since maaga pa at hindi masakit ang sikat ng araw sa balat, isa pa’y wala naman siyang gagawin maghapon. Ang mga gawain naman sa opisina ng Daddy niya ay pansamantalang ginagawa ni Zach kaya siguro lagi itong busy. Well may tiwala naman siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ng Dad niya, atsaka alam niyang hindi naman pag-iinteresan ni Zach ang yaman nila. He’s already a billionaire sa edad na 22, he is 29 now and he’s filthy rich kahit pa nga hindi na niya kunin ang mana niya sa kanyang lolo sa maternal side na isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas until now. She did her research pagkatapos niyang malaman sa kaibigan na sikat ito. That explains kung bakit iba-iba ang kanyang sasakyan at lahat bago pa iyon, maybe because he is earning millions per day. He has different assets including condos na karamihan mga models at artista ang nakatira at lahat iyon nagpapasok ng malaking pera sa kanyang account. “Hayy!! Bakit niya ba iniisip ito, di nga ba’t may kasalanan pa ito sa kanya”. Sa isiping iyon ay nagdiretso na siya sa poolside nila wearing her black two-piece that has a bra-cut top and a bottom that has cut below the navel, it shows her beautiful figure, she did’nt bother to put her cover up, tanging tuwalya lang ang bitbit niya na gagamitin niya mamaya. Hindi siya nag-aalala dahil mag-isa na lang siya sa bahay. Malamang nakaalis na ang lalaki papuntang opisina, tuwing umaga kasi’y hindi niya ito naaabutan doon. After swimming two laps, she decided to take a break and go to the kitchen to get something to drink, nakasampay sa balikat niya ang towel na ginagamit niyang pantuyo ng buhok.Nagulat siya ng makasalubong si Zach na kalalabas lang sa common bathroom na nasa may kusina.Pinasadahan siya nito ng tingin pagkuwa’y tumaas ang sulok ng labi. Biglang uminit ang kanyang mukha.Nang makabawi’y agad niyang tinakpan ang katawan ng tuwalyang dala. “Bastos!”, asik niya dito “Woah!, stop there missy, bakit ako pa ang bastos, ako ba ang naglalakad wearing only my underwear?”, nakataas ang kilay na wika nito sa kanya pero nakikita pa rin niya ang simpleng pagngisi nito habang sinasabi iyon. “What are you doing here huh?, you’re supposed to be at the office right now.” Wika niya dito “Oh baby, haven’t I told you that I am the boss?, so it only means na papasok ako kung kelan ko gusto”, Inirapan niya ito “Bastos na nga mayabang pa”, bulong niya. “What did you say?”, tanong nito, marahil dahil hindi maayos na narinig ang sinabi niya. “None, sabi ko nga ikaw ang boss, pero bastos”, irap niyang muli. “Roll your eyes again at me Addy, makakatanggap ka ng parusa”, “I’ll roll my eyes whenever I want, maybe you’re the boss at your office but not here Zach, I’m still the owner”, asik niya dito “I don’t wanna start a fight again Addy,” pagsuko nito. “Wag kang mang-inis kung ayaw mong mag-away tayo”, iyon lang ang sinabi niya pagkuwa’y nagdiretso sa kwarto para makapagligo ng maayos at makapagpalit, mamaya na siya ulit makikipagtuos sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD