Isa-isa siyang binati ng mga kaibigan na nasa kwarto, apat lang ang naroon, wala si Jewel at Richmond and isa pang pares ng magkasintahan bukod sa kanila ni Derrick(well hindi na ngayon)sa grupo nila, may hindi ata pagkakaintindihan kaya hindi nakarating.
“How’s life Savvy, lalo kang gumaganda ngayon ah?”, puri sa kanya ni Jiselle, isa sa mga kaibigan niya na siyang pinsan ni Derrick and yes siya din ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ng ex-boyfriend.
“Hmm, it’s fine , medyo nabusy lang sa pagtulong sa kasal nila Dad at Tita Alicia nung nakaraang buwan kaya di masyadong nakakasama sa mga lakad.”
“Oo nga pala naikasal na sila Tito Seb, pakisabi ulit na congrats , alam mo naman di ako nakahabol, kainis kasi yung manager ko, di agad ipinaalam na ang shoot namin ay sa Cebu, ayan tuloy di ako nakadalo.”himutok nito.Isa kasi itong artista kaya kabi-kabila ang projects na ginagawa, kahit pa nga may business ang mga ito at panganay, ipinaubaya na lang ang pagmamanage sa kapatid na lalaki dahil di daw niya hilig.
“Naku, sayang di ka umattend ,di mo tuloy nakilala yung anak ni Tita Alicia, nakakapanlaway, ang yummy girl”, baling dito ni Krissa
“Really?, anong pangalan ng magiging brother mo Sav, pakilala mo naman kami oh”, asked by Jiselle
She rolled her eyes at them, tahimik lang ang dalawang lalaki sa harap nila habang si Suseth naman nakikinig lang pero may nakatagong nang-uuyam na ngiti sa kanya , tila nanunukso.
“Lennon Zachary Dawson, pero girls playboy yun atsaka Kris di naman hot yun kung makapagdescribe ka naman, tsk”.
Nagulat siya ng biglang tumili si Jiselle ,” OMG, as in si Zach na pantasya ng karamihan, don’t tell me hindi mo siya kilala Sav , saang lupalop ka ba galing ha?, pati nga kasamahan kong mga artista fino-follow social accounts nun”, mahabang litanya nito sa kanya
“He got it all girls, dagdag pa ni Jiselle, rich, handsome, a well-built body, mala Greek God, she dreamily said.”
“Eww, stop that Jes, you want me to p**e! He’s a playboy, so wag na kayong lumapit dun, anjan naman si Brix oh , kaharap mo na, mayaman din naman, gwapo, mabait , hindi pa playboy, di ba Brix?, kindat niya sa kaibigan.”
Tumawa lang ito sa kanya, pero humirit muli si Jiselle “Duhh, ano ka ba naman Sav, hindi ko naman type si Brix eh, he’s just a friend to me ok?, stop your illusion that there will be us”, masungit na wika nito.
Nang tingnan niya si Brix ay nakayuko na ito, tila nasaktan sa narinig , alam niyang matagal na itong may gusto sa kaibigan kaya palagi niya itong tinutukso doon. Nahagip ng tingin niya ang katabi nito, nakita niyang nakatitig ito sa kanya, tila nagmamakaawa na pansinin at kausapin niya. “Sorry Derrick, pero hindi pa kita kayang patawarin”, wika niya sa isip sabay iwas ng tingin dito.
Napabaling ang tingin niya ng magsalita si Suseth habang nakatingin sa cellphone nito kasama si Krissa na parang may inuusisa.
“Hot nga, look at those eight pack- abs, sheeeeet, parang ansarap maglambitin sa braso nito, muscles are in right places”, Ini-istalk na pala ng dalawa ang account ng binata at kasalukuyang inuusisa ang mga pictures.Sinulyapan niya ang litratong tinutukoy nito ,kuha iyon sa isang beach pero mukhang stolen shot.
Napaingos siya sa dalawa. “ Ang alam ko di na yan nagseryoso mula nung mamatay ang dating girlfriend niya, mahal na mahal ata niya yon eh, sikat na model dati, kaso namatay sa aksidente, sayang, bali-balita na ikakasal na sila dati eh”, napatingin siya kay Jiselle ng sabihin nito iyon.
So that explains kung bakit siya playboy, humahanap ng babae para makalimot. Bahagya siyang naawa sa binata ng malaman niya iyon. Kaya pala kahit nakikita niya itong ngumingiti ay hindi umaabot sa mata nito.
“Tama na nga yan girls, nandito tayo para magsaya”, baling sa kanila ni Brix na ngayon ay nakangiti na ulit hindi katulad kanina.Ang katabi nito’y nakatingin na naman sa kanya kaya ibinaling niya ang tingin sa katabing si Krissa para makipagkwentuhan.
Nakailang shots na sila ng alak ng magkayayaan ang lahat na lumabas at sumayaw sa dancefloor.
Nahuli siyang lumabas dahil narinig niyang tumunog ang cellphone na dala, tumatawag ang daddy niya kaya sinagot niya iyon.
“Hello Dad, kumusta kayo jan?”pambungad na tanong niya sa ama.
“Ok lang anak, kayo ni Zach kumusta , nagkakasundo na ba kayo?”
“Bat parang ang ingay , nasa Bar ka na naman ba Savannah”, malakas na tanong nito
“Asan si Zach, anjan ba?, tell him gusto ko siyang makausap”, Hindi siya makapagsalita dahil sa sunod-sunod na tanong ng ama.
“Yeah Dad magkasama kami pero nasa labas siya , nakita ko kasi mga kaibigan ko kaya sumama ako sa kanila”, pagsisinungaling niya dito.
“Ok anak, basta mag-ingat kayo sa pag-uwi , I gotta go, kakain na kami ng Tita mo,tumawag lang ako para mangumusta, iloveyou anak”,
“Kayo din Dad ingat po, ilove you too”, then she ended the call.
Pag-angat ng tingin niya’y, Nakita niyang nandun pa rin si Derrick, tila inaantay siya.
“Ahmm, your Dad?’ tanong nito na tila nananantiya.
“Ah, yeah nangungumusta lang”, sagot niya dito pagkatapos ay lumabas na , hindi na inantay ang lalaki. Aminin man niya o hindi , naaapektuhan pa rin siya sa presensiya nito kaya hindi siya makatagal na kausap ito.
Paglabas niya’y napansin niyang nakaupo pa rin si Zach kung saan niya ito nakita kanina pero may kausap na itong babae, iba sa kasama nito nung makita niya sa restaurant. Bahagya siya nitong sinulyapan pero tuloy pa din sa pakikipag-usap sa kaharap nito. Hindi na niya ito pinansin, kumuha siya ng alak sa dumaang waiter pagkatapos ay dumiretso na siya sa dancefloor para sundan ang mga kaibigan.
She is dancing with the beat ng maramdaman niyang may gumigiling sa gilid niya. “I miss you hon, please patawarin mo na ako, mahal na mahal pa rin kita”, wika ni Derrick na kilalang-kilala niya ang boses kahit hindi niya lingunin.
Hindi niya ito nilingon dahil pakiramdam niya’y bubuhos ang luhang kanina pa niya pinipigilan mula ng Makita ito. “Bat kasi ganito, akala ko ba ok na ako?, akala ko nakamove-on na ako, bakit ang sakit-sakit pa din”wika niya sa sarili. Ang paghihirap sa boses ng lalaki ang lubhang nakakapagpalungkot sa kanya, sobra kasi niya itong minahal at minsan ng pinangarap na makasama habang buhay kaya nga ng mag-propose ito ay umo-o siya.
“Not now Derrick, hindi ko pa kaya, give me time, masakit sa akin ang ginawa mo”, malungkot na sabi niya dito pagkatapos ay iniwan ito at tinalunton ang daan palabas ng bar, agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa kanulang mansion. Sa pagmamadali, nakalimutan pa niyang magpaalam kay Zach pati na rin kunin ang kanyang clutch bag. Mabuti na lang may nailagay siyang cash sa kanyang bulsa ng jeans, mahilig kasi siyang mag-ipit ng pera sa bulsa in case of emergency kaya may naipambayad siya sa taxi na kanyang sinakyan.
Pagdating ng bahay, agad siyang nagtungo sa kwarto at pinakawalan ang luhang kanina pa nagsisimulang umalpas. Iiyak siya sa gabing iyon , pagbibigyan niya ang sarili ,pero ipinangako niyang iyon na rin ang huling iyak niya para sa lalaki.