Devonne
Ngayon hindi ako makatingin ng tuwid sa kaniya. Iba kasi ang iniisip ko kapag nakataas kilay si Sir Ibarra sa akin, tuwing sinusulyapan ko siya. Grabe, nagawa ko ba talaga 'yon? Nakipag make out sa kaniya sa loob pa mismo ng classroom namin. Shitty bigla akong kinabahan.
Pero isang himala hindi ako tinawag dahil halata naman hindi ako nakikinig sa lecture nito kasi gusto kong maglinis ng aking pukengkeng.
Ngayon lang ako nahiya kay Sir Ibarra simula ng maging professor namin siya. Dati kaya kong makipag titigan sa kaniya ng hindi siya ang unang sumusuko. Pero ngayon hindi ako makatagal makipagtitigan sa kaniya dahil tila ako matutunaw sa pilyo niyang mga sulyap.
Paano kung lihim na mayroon nakakita sa amin? What if nga mayroon din CCTV sa loob ng classroom.
Sa isipin na iyon bigla akong pumaling ng tingin sa paligid at para akong sunga nakatingala at buong sulok ng classroom. Nilibot ko ang aking mata.
Hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala si Sir Ibarra. Nakahalukipkip kunot pa ang noo sa akin pinagmamasdan ako.
Nagtataka ako kung bakit nagtatawanan ang mga classmate ko. Kaya naman pala hind ko napapansin si Sir Ibarra, nakatayo na pala sa harapan ko.
“Sir, hinahanap ko lang po kung mayroon CCTV,” nauutal ko pang sabi na kinasalubong ng kilay nito.
Hindi ko na pinansin ang hiyawan ng classmate ko basta nasa isip ko sa CCTV. Wala akong makita ngunit pwede naman invisible lang. P'wede rin maliit lang hindi halata.
"Why? What would you do if you saw CCTV here in this classroom?"
“Meron po ba?” namilog ang mata ko napalunok. Naku po ngayon ko lang kasi naisip samantala kanina kay lakas ng loob ko makipaghalikan sa professor ko.
“Mayroon,” sabi ni Sir Ibarra na kinaputla ng labi ko.
Pinagpawisan ako ng malamig. Naku po ‘wag naman sana makuhaan kami ng video ni Sir Ibarra. Baka mag-viral pa ang kapangahasan ko kanina. Paano na kaya kailangan ko masinsinan makausap si Sir Ibarra tungkol dito.
Hindi naman siguro papayag si Sir Ibarra na mayroong makuha footage sa ginawa namin kanina. Teacher siya at estudyante ako. Kaya hindi nito gugustuhin mabilad sa kahihiyan ang pangalan niya.
“S-Sir Ibarra, burahin mo ‘yon.” Pabulong na utos ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay. Para bang naghahamon ang damuho. Kampante si Sir, ngunit ako ang sobrang kabado.
Nag-antay ako kung anong isasagot ngunit wala. Tahimik na bumalik ulit sa harapan. Sa table niya. Kaya naman pala time na ng subject niya.
“All right, class! See you tomorrow.”
Naisip kong sundan si Sir Ibarra nang lumabas ng classroom namin. Tinawag ko mabuti tumigil at inantay ako.
Humarap siya sa akin pinasadahan ako ng tingin.
“Sir, totoo po bang may CCTV?” alanganin kong tanong sa kaniya.
Tila pa natatawa ito na ewan, hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ni, Sir Ibarra. Subalit napansin kong sandali umaalog ang balikat niya iyon nga lang balik ulit sa seryoso ang mood nito.
"Why are you asking? Sa pagkakaalala ko kanina malakas ang loob mo na akitin ako. Scared? Kanina ka pa hindi makali, Ms. Tauson?”
Seriously? Hindi niya alam ang ipinag-aalala ko? Pambihira, ako lang yata ang praning baka ma trending kami sa kahihiyan. Tingin ko balewala rito kay Sir Ibarra.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil naiinis ako. Obvious naman talaga ang ipinaalala ko sa kaniya. Tss, imposible hindi niya iyon alam. Kaltukan ko itong professor ko nakakaurat isa na lang.
Dahil ba ako ang umakit sa kaniya kaya wala siyang pakialam na may makuhang video sa amin.
“Ano titingnan mo na lang ba ako?” sabi pa nito.
“Wala ka talaga alam bakit ako hindi makali?”
“Alam ko lang gusto mo ng kiss galing sa akin,” sabi niya ng walang kangiti-ngiti.
“Ewan ko sa ‘yo! Bahala ka kung ma viral tayo pareho. Teacher ka pa naman,"
"I'm a man, wala naman mawawala sa akin kung sakaling magviral tayo,"
Nagitla ako. Tang-na niya. Gago siya s lahat ng gago. Oh right, I forgot he's a man. Nothing will be lost if a video from the CCTV comes out.
Pinigilan kong pumiyok ang boses ko kasi tila bumara iyon sa lalamunan ko dahil sa galit ko sa kaniya.
“Nakalimutan mo ba, Ms. Tauson, ikaw ang may gusto noon. You seduce me, at lalaki lang ako,"
Mariin akong napapikit. Pagdilat ko pinakita ko sa kaniyang hindi ako tinablan sa kaniyang sinabi. “Gago ka, Sir Ibarra!” mapakla akong tumawa, pagkatapos ay tinalikuran ko na siya bumalik sa classroom namin gigil sa galit dito.
Humugot ako ng hangin bago ako umupo. Napairap ako kahit wala naman na si Sir Ibarra sa aking harapan.
Nakailang pahiya na ba ako sa salita nito ngunit wala akong kadala-dala. Kaibahan lang ngayon dahil naka make out ko na ito.
Edi kung hindi big deal sa kaniya kung may nakakita sa amin bahala siya. Siya naman ang mas mabibilad sa kahihiyan dahil estudyante niya ako at siya ang higit na matanda. Dapat siya ang nagpigilan siya ang higit na may isip.
Nang uwian namin malungkot ako kasi kapag ganito sabay kami ni Sofia ang bestfriend at classmate ko rin. Inaantay namin ang isa't isa kapag wala pa sundo. Sana makapasok na ‘to bukas. Wala akong makapag sumbungan sa hinanakit ko kanina kay, Sir Ibarra.
Walang humihila sa buhok ko kapag nagiging kikay na ako ng sobra kay Sir Ibarra.
Nag-text ako sa driver ko nasa parking na ako inaantay siya. Umupo na muna ako sa waiting shed nagpapalipas oras habang inaantay ang aking driver.
Nag-text din ako kay Sofia. Sana makapasok na ito bukas ang boring kasi ng maghapon ko kapag wala ang dalaga.
Sofie: Kumusta na ang pakiramdam mo? Sana magaling ka na malapit na ang finals natin. Malungkot ako ngayon Sofie. Hindi na yata ako magugustuhan ni Sir Ibarra kahit na kailan.
Nag-antay ako ng reply ni Sofia ngunit wala, kaya in-open ko ang face book ko. Pinuntahan ko ng account ni Sir Ibarra. Stalk ako kung may latest chika. Nang bigla akong umatras. Na unfollow ko na pala siya kaya wala na akong makitang latest post.
“Devonne!”
Mayroon tumawag sa akin hinanap ko kung sino. Dati ko pala classmate sa kabilang building. Irregular student kasi 'to transferee galing sa ibang university. Nasa huling taon na ito ng collage. Manliligaw ko ito kaso lang basted agad.
Ayaw ko naman paasahin baka mag-expect na sasagutin ko. Maganda na sa umpisa palamang ay alam nila saan lang p'wede. Hindi ko pa noon kilala si Sir Ibarra, pero wala na talaga akong makapa na pagkagusto rito.
Kung tropa pwede. Pero kung romantic relationship no pa rin.
Napangiti ako ng papalapit ito sa akin. Kinawayan ko pa kahit na malapit na ito sa kinauupuan ko. Guwapo rin naman itong si Andrei. Katunayan ay maraming may gusto rito sa school namin at varsity player din ang binata.
Is itong basketball player. Hindi man sila madalas manalo kapag inter school contest ngunit hindi naman din sila pahuhuli sa galing bilang manlalaro sa larangan ng basketball.
Mas sikat kasi ang soccer at boyfriend ng bestfriend kong si Sofia ang team Captain ng soccer. Pero itong si Andre ay team captain din naman sa basketball team sa aming campus.
“Hi, pauwi ka na?” nakangiti tanong nito labas ang pang model ng toothpaste na ngipin niya.
“Oo, eh. Uhm…bakit pala?”
Nakakamot ito sa buhok parang temang nahihiya.
“Kain tayo r’yan lang sa labas bago ka umuwi. Kung hindi ka nagmamadali. Malaking bagay rin hindi ka na kakain sa inyo pagdating,” may himig na biro na sabi nito.
“Wait text ko na lang driver ko. Ihatid mo ako ha?” sabi ko na kinalaki pa ng kaniyang mata.
“Talaga? Payag ka?” para bang ang laki ng impact sa kaniya ng aking pagpayag. Aba'y daig pa nito ang nanalo ang koponan nila sa game ng basketball, sa labis na saya ang nakalarawan sa mata nito.
“Oo, tara na,” sabi ko pagkatapos ko i-text ang aking driver.
“Salamat, Devonne,” sabi pa nito ng palapit kami sa kotse nitong nakaparada sa parking lot.
“Matagal rin naman ang huli nating kain sa labas. Kumusta? Malapit ka na rin umalis sa Sacred Heart University. Anong plano?”
“Parang may choice ako. Alam mo naman diba? After graduation sa kumpanya ng pamilya agad ang sabak ko,”
“Ayaw mo noon. Mahirap din kaya mag-apply ng trabaho sa panahon ngayon,”
“Sabagay may point ka,” wika pa nito.
“Mabuti at sangayon ka. Tandaan mo palagi kaming tama na mga babae,” biro ko sa kaniya.
Nang malapit na kami sa kotse ni Andrei, biglang mayroon humaharurot na parating na kotse. Kumunot ang aking noo dahil kilala ko kung kanino.
Kay Sir Ibarra.
Dahil nga hindi namin napaghandaan ni Andrei, nasa gitna pa kami at sakto kasi nagbibiro si Andrei, kaya hinampas ko ito sa dibdib tapos umarteng nasaktan kaya hinaplos ko ang dibdib nito.
Vroom…pip-pip…pipip...
Malakas na busina ng sasakyan ni Sir Ibarra, na parang galit na galit sa manibela. Hinila nga ako ni Andrei sa tabi ng kalsada sa takot na mahagip ako ng kotse ni Sir Ibarra.
Dumilim ang mukha ko sa takot at inis kay Sir Ibarra. Dahil nga naghalo-halo ang galit ko rito kanina pa kumuha ako ng bato. Hindi naman kalakihan iyon ngunit sapat na upang mabasag ang salamin ng hulihan ng sasakyan nito.
Sira na yata ulo nitong professor namin malawak pa ang kalsada, ginusto pa sa tabi pa namin dadaan.