Devonne Kinabukasan, maaga akong gumising para puntahan si Ibarra sa condo unit niya. Alam ko kung saan ang condo niya sa BGC lang iyon. Hindi ako nag-text sa kaniya kahit kanina tumatawag naman siya. Hindi ako sumagot. I-try ko ang sinabi nila Jesy. Mayroon din s'yang text hindi ako nag-reply. Grab taxi ako kasi hindi pa ako marunong magmaneho. Mag-aaral pa lang. Dapat pala talaga, noon pa ako nag-aral magmaneho ng sa ganitong lakad. Hindi na ako magta-taxi. Ayaw kasi ni daddy noon dahil mawawalan daw ng trabaho ang driver ko kung ako na ang magmamaneho sa kotse ko. Kapag natapos ko na raw mag-aral pwede na siya pumayag. Ngayon na graduate na ako. Pinayagan na ako ni daddy. Isa pa mas madalas akong maglalagi sa Iloilo dahil tutulungan ko si dad sa business namin. May bagong pasok na

