Ibarra Jacobi pov Pag-upo ko sa driver seat. Halos manginig ‘yung kamay kong may hawak yung phone ko. Ang tanging nasa utak ko ay si Devonne. Gusto ko siyang tawagan, sabihin lahat ang nangyari pag-uusap namin kanina. yung sinabi ni Lolo, yung pagpilit nila na lumayo ako, yung kabog ng dibdib ko sa takot na baka mawala siya sa akin. Siya lang ang taong maari kong pagkatiwalaan, maliban sa mama at papa, pero ngayon ewan ko parang may kakaiba kay mama at papa. Ayaw ko mag-isip ng masama ngunit may pakiramdam akong may blackmail na nangyari at no choice sina Papa at Mama. The one person who calms me down. And right now, I need her. I need her voice. I need to hear that she’s still mine. Si Devonne lang. Kaya pag-start ko ng engine, agad kong pinindot ang call button ng phone ko. Para mari

