Devonne "Tita Janice. Maraming salamat po lalo na sa masarap na food," wika ko sa kaniya habang naglalakad na kami patungo sa kotse ni Ibarra. Natuwa ako dahil kinilig siya sa papuri ko. "Devonne, kapag may bakante kang oras, dalaw ka naman dito sa 'min," aniya kinatango ko. "Magi-ingat kayo sa byahe. Pagkatapos nauna na siyang lumapit sa akin. Alas-siyete ng gabi. Ihahatid na ako ni Ibarra sa condo ko. Ang tahimik nito ngayon kinakabahan na ako ayaw ko lang maging nega. Kanina lang panay niya asar sa akin, bakit kaya bigla na lang naging tahimik pagkabalik niya galing magbihis. “Okay ka na r’yan?” nilingon niya ako sa shotgun seat. “Uh-huh,” sagot ko, tumango-tango siya. “Baby,” “Hmm?” humarap pa ako sa kaniya nakahanda makinig kung ano ang sasabihin niya sa ‘kin. “Papayag ka na k

