Shayne blinked her eyes countless times. She was meeting Damien's gaze. Damien kissed her with a smacking kiss. Ngunit sapat na ang panandalian na paglapat ng kanilang mga labi upang baliwin sa pagtibók ang puso niya.
Bigla siyang natakot.
Hindi kaya siya magkakaroon ng sakit sa puso dahil kay Damien? Hindi na kasi normal itong pagtibok ng puso niya. Para siyang nahihirapan huminga.
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mariin na paglunok ni Damien. Kita pa niya maging ang paggalaw ng taas-baba ng tatagukan nito. Agad ibinaba niya ang paningin. Sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis na binaklas niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang mga pulso saka mabilis na tinulak si Damien.
Nagpatiuna siyang lumabas ng condo sa mabilis na hakbang. Ni hindi niya nilingon si Damien. Nararamdaman lang niya ang mga tunog ng bawat paghakbang nito mula sa kanyang likuran.
“Shayne!”
Napahinto siya sa paghakbang. Hindi niya alam kung lilingon ba siya o hindi. Hindi niya kasi alam paano harapin si Damien. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya. Dalawang beses na siya nitong hinalikan, at sa bawat paghalik nito sa kanya ay hindi niya man lang magawang umiwas.
Tumigil siya at mas pinili ang nauna. Lumingon siya.
“Saan ka pupunta? Are you planning to use the stairs to go to the garage?”
Napalingon siya sa kanyang harapan. Nasa dulo na pala siya ng hallway at sa unahan ay ang pinto pababa ng hagdan. Okupado sobra ni Damien ang sistema niya. Nawawala tuloy siya sa kanyang sarili.
Wala siyang nagawa kundi ang muling humarap kay Damien sabay hakbang pabalik dito. Nakatayo ito sa tapat ng elevator at pinipindot na nito ang button. Saktong dumating siya sa tabi nito ay bumukas ang pinto ng elevator.
Hinawakan siya nito bigla sa kanan na braso at giniya papasok ng elevator. Isang malalim na lihim na pagbuntong hininga ang kanyang ginawa. Ayaw niya sanang magpahawak dito, dahil pati ang pagdaiti ng kamay nito sa balat niya ay kakaiba ang epekto sa pagkatao niya. Mas lalong naghurmintado ang pagtibok ng puso niya.
Ngunit wala siyang nagawa kundi ang magpatianod. May tatlo kasi silang nakasabay sa loob ng elevator at puro iyon mga lalaki. Kaya hindi niya pwedeng iwaksi ang braso na hawak ni Damien.
Sa ikalimang palapag ay tumigil ang elevator at ilang sandali lamang ay bumukas iyon. Tila tinutukso siya ng pagkakataon. Apat na lalaki ang nasa tapat ng elevator. Pumasok ang mga ito ngunit ang mga mata ay nakatuon sa kanya.
Damien suddenly pulled her close. Nanayo bigla ang mga balahibo niya sa katawan ng bigla ay sinandal siya nito sa malamig na pader nga elevator saka humarap sa kanya. Itinukod nito ang mga kamay sa kanyang magkabilang bahagi ng ulo at saka iniharang ang malapad na katawan sa kanya.
His whole frame towered towering her.
Dear God, all she could do was take a deep sigh. Bite her lower lip then closed her eyes. His male masculine scent mixed with his redolent musk perfume was penetrating deep in her sense of smell.
NOTE:
SA LAHAT po na gustong magpatuloy sa pagbabasa sa kwento ni Damien at Shayne, G-N nyo na po siya mababasa. paasensiya po! sa J-N kasi na nagkaroon ng Contrata. Mababasa nyo po ito roon tru watch add.