#mYGirlFriday chapter18 #freedom #Ylenna. Habang papalayo ako sa lugar ni X naalala ko ang hiniling ko sa kanya noon. Na palayain na lang niya ako para maging maligaya ako,nangyari na nga pinalaya na niya ako pero bakit diko maramdaman ang saya na akala ko ay mararamdaman ko kapag nakalaya na ako mula sa kanya. Bakit malungkot pa rin ako? "OK ka lang ba Ylenna? "marahang tanong ni Xander sa akin. Napatango na lang ako. "Hindi ko inaasahan na makikita kitang malungkot. "halata ang sa boses niya ang pag-alala. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Bakit nga ba ganito yong nararamdaman ko ngayon,bakit ang lungkot-lungkot ng pakiramdam ko. "Mahal mo na ba siya?"ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Marahil hindi niya inakala na makikita akong ganito pagk

