Hilot ni Alfred ang sentido habang nakasandal ang likod at ulo sa backrest ng upuan ng kanyang sasakyan. He was inside his car at plano n’ya sanang tumungo sa malapit na bar at magpakalunod sa pag-inom ng alak ngayong gabi. He felt damn frustrated. Ano na ba itong nangyayari sa kanya? Gustong-gusto n’yang saktan ang male stripper na gumigiling sa kandungan ni Felicity kanina, ngunit hindi n’ya magawa dahil maaari n’yang ikasaira iyon at ni Felicity. Shìt, tang-3na ang hirap magpigil. Gustong sumabog ng galit sa kaloob-looban n’ya ngunit hindi n’ya mailabas. He never thought, na darating s’ya sa ganitong punto ng buhay n’ya, na mababaliw ng ganito ang sistema n’ya dahil lang sa isang babae. Tunog ng kanyang cellphone na nasa center console ang umagaw ng kanyang atensyon. He automaticall

