PAGDATING NI Felicity sa kanyang condo ay sa banyo s'ya agad dumiretso. Agad n'yang pinuno ng maligamgam na tubig ang bathtub saka hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. "Oh, sh!t!" Inis n'yang mura pagkatapos hubarin ang pang-ibabang saplot. Ang tanga! Pati ba naman ang hip briefs ni Alfred ay suot n'ya. Napahilamos s'ya sa mukha. "Bwisit!" Basta n'ya na lang tinapon ang lahat ng pinaghubaran na damit sa sahig at agad na inihakbang ang mga paa sa loob ng bathtub. Sh!t! Ano ba kasing kagagahan ang pumasok sa isip n'ya. Letse! Her body is aching, lalo na ang kanyang gitnang hita. Inilublob n'ya ang katawan sa maligamgam na tubig at marahang hinaplos ang hubad na katawan. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Ngunit nanatiling may kirot pa rin s'yang nararamdaman sa kanyang

