“Babe, call me often, ha!” Paalala ni Drake kay Althea. “Mahal, wag kang uminom ha. Alam mo naman na may alcohol intolerance ka, and don't forget to call me.” Paalala naman ni Dexter kay Savannah. “Hon, wear my jacket. Siguradong malamig doon,” ani naman ni Alfred sa babaeng mahal niya sabay hubad ng leather jacket sa katawan at pinasuot kay Felicity. Kung makapag-paalala sa mga asawa akala mo naman ay sa abroad ang punta ng mga ito. ‘E mag ba-bar hopping lang naman. Napailing si Alfred kasabay ng marahan na tawa. Nakakatawa lang. Para silang mga batang takot mawalay sa ina. Nakatayo silang tatlo ni Drake at Dexter sa tabi ng sasakyan na gagamitin ng mga babaeng mahal nila. “I think you should let Robert drive.” Mungkahi ni Drake habang panay ang ginagawa nitong paghaplos sa nakahant

