Hindi alam ni Felicity kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang letseng tamód. Halos gusto ng kumawala ng puso niya mula sa loob ng kanyang dibdib. Patuloy ito sa paglapit sa kanya habang siya naman ay patuloy sa paghakbang paatras. Ibinaba niya ang baso sa sink sabay taas ng dalawang palad sa ere. “Stop. Tumigil ka, putang-3na mo. Nasa pamamahay tayo ng mga magulang ko!” Mariin niyang wika. Hindi manlang nakikitaan ng takot ang lintik at sa halip na sundin siya nito ay mas lalo itong lumapit sa kanya. “Hon, please, hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para magalit ka ng ganyan,” Alfred ran his finger through his hair sabay marahas na bumuntong hininga. “I'm tired and still have jet lag. Wala pa akong tulog.” “Then leave. Umuwi ka at matulog. Wa

