Felicity was wearing a dress with her favorite color. Isang itim na sleeveless mini dress ang kanyang suot na hanggang itaas ng tuhod ang haba. V-line naman ang tabas ng dress sa bandang dibdib. Isinuot niya ang kanyang white gold drop earrings, kasunod ng black strappy stiletto. Sinipat niya ang kanyang sarili sa salamin. Napangiti siya. Para siyang isang teenager sa kanyang ayos. Naka trintas sa magkabilang sides ng kanyang ulo ang kanyang itim, tuwid at bagsak na buhok na hanggang balikat. Tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng desk ng vanity mirror na nasa kanyang harapan. It was an alert message tone. Agad niyang dinampot ang cellphone at tiningnan kanino galing ang mensahe. Malapad ang pagkapuknit ng kanyang labi ng makitang galing kay Alfred ang message. Agad niyang bi

