Agad na pinahid ni Felicity ang luhang pumatak sa kanyang mga mata at mariin na lumunok sabay iwas ng tingin kay Alfred. "May kailangan ka sa 'kin?" Alfred asks. Binitawan nito ang kanyang kamay. "Bakit hindi ka nanlaban? Bakit hinayaan mo sina kuya na bugbugin ka?" Sa halip ay tanong n'ya. "Like what I've said earlier, kasalanan ko." Tinalikuran s'ya ni Alfred at muling pumasok ito sa madilim na espasyong iyon. Paglabas nito ay may bitbit na itong briefcase. Seeing Alfred's bruises on his face and chest hurt her damn much. Pakiramdam n'ya ay tila nilulukumos ang kanyang dibdib. It was her fault. S'ya ang may gusto sa nangyari. S'ya ang nag initiate na may mangyari sa kanila. Pero ito ngayon ang lalaki, binugbog ng kanyang mga kapatid sa kasalanang hindi nito ginawa. "You should at

