Isang salo-salo ang inihanda sa mansyon bago ang kasal ni Drake at Althea kinabukasan. Nakapagkit sa mga labi ni Felicity ang matamis na ngiti habang nakatanaw sa matalik na kaibigan na si Drake. Nababanaag sa mukha ni Drake ang matinding kasiyahan. Drake and Alfred were standing a few meters away from her. Kausap ng mga ito si Mr. Villarreal at ilang malapit na kaibigan ng pamilya. Napuno ng bisita ang malawak na bakuran ng mansion. Naroon sa gabing iyon ang mga manggagawa ng hacienda at mga malalaking investors ng DLGC at kilalang personalidad mula sa business world. Nakakatuwa lang dahil walang mababa at mataas na tao sa gabing yun. Lahat ay pantay-pantay. Nakihalubilo ang mga manggagawa ng hacienda sa mataas na mga personalidad. Walang kaplastikan ang tuwa na bumabalot sa mukha ng b

