Nakipag-siksikan ang sasakyan ni Alfred sa kahabaan ng highway. Nagkandahaba na ang kanyang leeg sa kakatingin ng sasakyan ni Felicity na nasa unahan. Felicity’s car was a few meters away from him. Letse! Napasabunot siya sa kanyang buhok at napapahampas sa manibela ng kanyang sasakyan. Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan sa loob ng kanyang sasakyan. Naghahalo ang galit, sakit at frustrasyon. Galit kay Carmela at sa sarili at sakit dahil nasaktan niya ang babaeng mahal niya. He was an asshole and he deserved this pain. Frustration, dahil nakisabay pa ang letseng traffic sa sitwasyon. Sa muling pag-usad ng mga sasakyan, ilang sandali pa ay nakita niya ang pagharurot ng sasakyan ni Felicity. Halos paliparin nito iyon sa kahabaan ng highway. Lumukob ang matinding kaba sa buo ni

