Marahas na bumuga ng hangin si Alfred. Umupo s’ya sa kanyang swivel chair at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Ipinikit n’ya ang kanyang mga mata at hinilot ang sentido. He felt damn perplexed. Gulong-gulo ang isip n’ya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mababali n’ya ang kanyang prinsipyo. Hindi n’ya akalain na darating s'ya sa ganitong punto ng buhay n’ya. Ng dahil lang sa isang babae ay sisirain n’ya ang sariling prinsipyo at titibagin ang sariling paniniwala. “Felicity, what the hell have you done to me? Anong ang meron ka?” Wala sa sariling sambit n'ya. “May invitation kang dumating.” Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi na s’ya nag aksaya pa na buksan ang mga iyon dahil alam n'ya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. It was Carmela's voice. “Iwan mo lang dyan

