A day without Alfred felt so boring and incomplete. Isang linggo na simula ng umalis patungong states si Alfred at Drake. Ngunit pakiramdam n'ya ay buwan na ang nakalipas. Pakiramdam n'ya ay tila kay bagal ng takbo ng oras. Gaya ng pangako nito sa kanya, hindi ito pumapalya sa pagtawag sa kanya araw-araw. Tanghali ngayon, at sa states ay alas otso ng gabi. Bitbit n'ya ang kanyang laptop pumasok siya sa isang Japanese restaurant. Restaurant kung saan malapit sa law firm ni Alfred. Nakasunod sa kanya ang mga bodyguards na itinalaga ng kanyang mga kapatid na magbantay sa kanya. Her guards always make sure na walang makakalapit sa kanya na ibang tao, lalo na kapag hindi n'ya kilala. Limitado rin ang tinatanggap n'yang check-up appointment sa kanyang clinic, maliban doon sa talagang kilala na

