Huni ng mga nag-aawitang ibon, hampas ng alon at tahol ng aso ang nagpagising sa diwa ni Felicity. ‘Tinbel!’ Usal niya sa isip. Nasaan siya? Naimulat niya ang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang puting kisame. Napabalikwas siya ng bangon at iginala ang paningin sa paligid. Puting ding-ding at puting kurtina na sinasayaw ng hangin ang kanyang nakikita. Nasaan siya? Napalingon siya sa bukas na sliding glass door. Kita niya mula sa kinauupuan na kama ang matataas na mga puno ng niyog at mayabong na mga puno ng kahoy. Sumasayaw sa hangin ang sanga at dahon ng mga puno maging ang mga niyog. Malinaw niyang nakikita ang buong paligid sa kanang bahagi niya. Dahil gawa sa glass panel ang buong bahagi na iyon ng silid. Muli ay iginala niya ang paningin sa loob ng silid. Purong puti

