Itinaas niya ang mga palad at marahan na dumapo iyon sa magkabilang pisngi. Pinunasan niya ang mga luha at huminga ng malalim. Kapagkuwan ay marahan siyang lumingon kay Alfred. Tinitigan niya ito sa mukha at tuwid na sinalubong ang matalim nitong mga titig. Malamlam ang liwanag na nagmumula sa ilang poste ng mga ilaw sa bahaging iyon ng garden. Sapat lang upang makita niya ang pagtaas baba ng dibdib nito. Pinagmasdan niya ang kabuuan ni Alfred. He is still the same. Walang pinagbago ang matipuno, maganda at perpektong hubog ng katawan nito. Hindi niya maikaila sa sarili na sa paglipas ng panahon ay wala parin pinagbago ang epekto nito sa kanya. “Tinatanong kita, Felicity! Answer my damn question damn it!” Muli nitong sigaw. “Oo masaya ako,” walang gatol niyang sagot. Dahil totoo naman

