Naglalakad si Felicity sa hallway papalabas ng clinic. Lumulutang ang kanyang pakiramdam. Naglalaro sa isip niya ang mukha ni Alfred at Carmela maging ang calling card na kanyang nakita sa loob ng opisina ni Alfred. Naramdaman na lang niya na tila may kung anong humihila sa dulo ng kanyang suot na jogger. Natigil siya sa paghakbang at napatingin sa paanan. Ganun na lang ang kanyang pagkamangha ng makita ang isang white Shih Tzu puppy. Nakatali sa likod ng aso ang tatlong pulang rosas at tinalian ng pink ribbon ang makapal nitong mga balahibo sa magkabilang bahagi ng ulo. Napakurap siya ng mga mata. Ng hindi siya tuminag ay muling kinagat ng aso ang dulo ng kanyang pantalon. Napangiti siya. Kapagkuwan ay tumungo siya sa aso at kinuha mula sa likuran nito ang tatlong pulang rosas. Sin

