Alfred was sitting on the couch habang nakasandal ang likuran sa backrest ng couch. Nakaupo sa tabi n'ya si Felicity at nilalagyan nito ng cream ang kanyang mga pasa. "Tanga ka talaga!" Wika nito habang nakatuon ang paningin sa kanyang dibdib na may pasa. "Kung hindi ka sana isang malaking tanga 'e sana hindi ka nabugbog." Ngumiti s'ya at umiling. "So, gusto mong makipagbugbugan ako sa mga kapatid mo? Yun ba ang gusto mong gawin ko?" He asked with a wistful smile. Inangat ni Felicity ang mukha nito at tumitig sa kanya. Bumuka ang labi nito ngunit walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig. Bumuntong hininga ang dalaga. "I think you made the right choice. Kung sakaling nanlaban ka baka hindi lang ito ang natamo mo. Baka sa hospital na ang bagsak mo." Tumayo ang dalaga sabay inilig

