Napabalikwas ng bangon si Felicity dahil sa malakas na kulog. Sumalubong sa kanyang paningin ang malamlam na liwanag ng ilaw na nagmumula sa banyo. Nakapatay ang pangunahing ilaw sa silid. Nakabukas iyon kanina bago siya tuluyang naidlip. Maging ang food tray na nilagay niya sa sahig ay wala na roon. Malakas na kulog na sinasabayan ng pagkudlit ng kidlat, maging ang ihip ng hangin ay tila nangangalit na sinabayan ng malakas na pagbuhos ng ulan. Maging ang alon ay malakas na humahampas sa dalampasigan. “Alfred!” Mahinang usal niya. “Alfred!” Luminga siya sa paligid ngunit hindi niya naaninag ang binata. Tanging si Tinbel na nakahiga sa kanyang tabi ang kasama niya sa loob ng silid. Lumusob ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Nasaan na ba ang lalaking yun? Bumaba siya ng kama at b

