The night was silenced. Nakaka-bingi at nakakabaliw ang katahimikan. Nakaupo sa sahig sa paanan ng kama si Alfred habang hawak sa kaliwang kamay ang isang bote ng whiskey habang ang isang braso ay nakapatong sa kanyang nakabaluktot na tuhod. Nakasandal ang kanyang ulo sa kama habang mariin na nakapikit ang mga mata. Felicity's image flashes in his mind. Ang halakhak ng babaeng mahal niya, ang bawat pagsambit nito ng kanyang pangalan at ang bawat halinghing nito sa kanilang bawat pagniniig ay umalingawngaw sa kanyang pandinig. Napasabunot siya sa kanyang buhok at kapagkuwan ay malakas na inihagis niya ang bote ng whiskey sa pader. Malakas na tumama iyon sa pader kasabay ng ingay ng pagkapira-piraso nito sa sahig. How could Felicity do this to him? How could she just leave him behind? He

