It's morning. Patakbo na tinungo ni Felicity ang banyo. Mabilis na binuksan niya ang toilet bowl. Napaluhod siya at mariin na napahawak ang magkabilang kamay sa rim ng toilet bowl. Her nausea is attacking again. Morning sickness is getting worse every morning. Sumasabay sa kanyang pagsusuka ang tila pag-dilim at pag-ikot ng kanyang paligid. “Felicity, Jesus Christ, anong nangyayari sayo?” It was her kuya Craig’s voice. Mas lalong tila sumama ang kanyang pakiramdam ng marinig ang tinig ng kanyang kapatid. She hates him. Naiinis at sobrang naiirita siya sa tuwing naririnig niya ang boses nito at makita ang pagmumukha. Hindi niya ito nilingon. Sa halip ay patuloy siya sa pagsusuka. Umalingawngaw ang tunog ng kanyang pagsusuka sa loob ng banyo. “Felicity!” Naramdaman niya ang mga hapl

