Walang patid ang usal ni Alfred ng pasasalamat. Isang malaking biyaya na maituturing ang anak na nabuo sa sinapupunan ng babaeng mahal niya. It was a dream come true. Yakap niya ang babaeng mahal niya. Nakaunan ito sa kanyang kanang braso. Nakaharap ito sa kanya at nakasubsob sa kanyang dibdib ang mukha nito. Nanatili silang hubad sa ilalim ng makapal na kumot. Ipinikit niya ang mga mata. Sinamyo niya ang natural na pang-babaeng amoy ni Felicity. Malalim na ang paghinga nito. Indikasyon iyon na nakatulog na ulit ito Wala ng sasaya pa kapag nasa tabi mo ang taong mahal mo. He felt so complete. Sa isang iglap ay tuluyang nawala ang lahat ng bigat na dala-dala niya sa dibdib. Napuno ng matinding galak ang kanyang buong pagkatao. Nabuo na ang kanyang pamilya. Nasa pilipinas na ang pamangki

