Nakaupo ako ngayon sa bakuran ng bahay namin dito sa labas habang minamasdan ko ang mga tao na naglalakad sa daan. "Anak, ang layo ng iniisip mo," diretso sambit ni Papa sa akin kasabay nito umupo siya sa tabi ko. "May pinagdadaanan ka ba, anak? Puwede mong sabihin sa akin kung ano 'yon?" Kaagad akong umiiling sa kanya bago nakapagsalita, "Ayos lang ako, Pa. Wag ho kayo mag-alala sa akin." Bumuntong-hininga si Papa saka ako ulit kinausap, "Sigurado ka ba na ayaw mong pag-usapan natin ito?" "Opo, Pa," diretso kong sagot. "Okay, sige, ikaw ang bahala kung ayaw mong sabihin sa amin ni Mama mo ang iyong problema." Matapos ang usapan namin ni Papa, kaagad siyang bumalik sa loob ng bahay. Napasunod ako sa tingin sa Kanya na nagpalakad papasok ito. Nakita ko din na kinausap siya ni Mama.

