[Anastasia's POV] Humugot ako ng malalim na hininga nang bigla na naman akong binuhat ni Lexus dahil tuwang-tuwa pa itong umiinit ang ulo ko dahil sa nangyari. He tried to cool down but mine was burning. Sino ba namang matutuwa kapag tinawag na basura ang bagay na pinaghirapan mo at pinag-aralan ng ilang taon? Ang malala pa doon tinawag niya akong isang gold digger! Inayos ko na lamang ang damit na suot ko nang biglang may humintong mamahaling kotse sa harapan namin pagkatapos niyang hawakan ang cellphone niya. Mukhang may balak nga talaga siyang tuparin ang hiling ko sa kaniya kanina kahit nasabi ko lamang 'yon dahil sa sobrang inis ko. "You're angry and you don't have anything to present tomorrow, right? Gamitin natin ang oras na ito sa paghahanap ng ice cream cake mo. Let's have a t

