[Anastasia's POV] Sinubukan kong bilangin ulit pagkatapos sabihin sa akin ni Dylan na kulang ng lima ang mga damit na inilagay nito sa wardrobe. At kahit bali-baliktarin ko pa ang mga ito, unang tingin palang ay malalaman na agad kung anong set ang nawawala dito. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha nang pumasok kami ni Dylan sa silid kung saan tinago ang mga damit ngunit wala kaming nakita doon maliban sa mga karton at nakadikit na pangalan ng mga kompanyang lumahok sa fashion exhibit. Ilang minuto din kaming nagkatitigan ni Dylan bago laylay ang mga balikat na lumabas mula sa silid. Namutawi ang pinaghalong inis at takot sa aking puso. Ano ang gagawin namin ngayong ang unang isasalang sana ng Scarlet Roses ay ang modified design for the Maria Clara Collection? Maari bang kagagaw

