[Anastasia's POV] Lumuhod ako sa harapan ni Lexus at buong pusong hinaplos ang kaniyang mukha upang maiharap ito sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya at nagawa nitong itanong sa akin ang bagay iyon. Kung kaya naman nais kong gumawa ng paraan upang mapawi ang galit na nararamdaman ng puso niya. "Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa'yo noong nasa yacht tayo papunta ng Isla Velezenia, Lexus? Magkaibang tao kayo ng mommy mo at hinding-hindi ka magiging katulad niya. Kung akala mo nakaramdam ako ng matinding galit dahil sa kwentong narinig ko mula kay Dylan, nagkakamali ka ng akala." Sapat na sa aking humarap siya at seryosong nakinig sa aking sinabi. Gusto ko lang namang maliwanagan ang isipan niya. "Hindi kalaban ang turing ko sa'yo kahit gusto kong kalabanin ang taong n

