Chapter One

1718 Words
Parang timang na nakapangalumbaba at nakatulala si Mena sa magkasintahang nasa harap nila. Katulad niya ay kumakain rin ang mga ito ang kaibahan lang ay ang dala nilang pagkain ang nilalantakan nila samantalang ang mga ito ay inorder pa sa maliit na kainan dito sa seaside turo-turo. Naiinggit siya dahil base sa paglalambing at pag-aalaga ng lalaki sa nobya nito ay masasabi mong sincere ito sa ipinapakita. Panay ang hagikgik ng mga ito sa tuwing may ibinubulong ang nobya sa lalaki. Napabuntong hininga na lang siya at napasabing, Sana all. Bente otso na siya at ilang taon na nga ba ng huli siyang nagka-boyfriend? Mahigit apat na taon na dahil hindi na siya sumubok pa sa kadahilanang wala namang sumiseryoso sa kaniya dahil sa kaniyang pigura. Oo pigura, 85 kls lang naman siya at may height na 5'8 tinatawag tuloy siyang dambo o amazona. Kung sa muka ay hindi naman siya palalamang dahil may matangos siyang ilong, bilugang mata at mapupulang labi. Tanging sa size lang talaga siya dehado dahil sa mundong ginagalawan niya ay isa siyang dabyana at ni kailan man ay hindi seseryosohin ng mga lalaking tanging pigura lang ang tinitignan. Kinalabit siya ni Betty at sumabay sa pagtingin sa kabilang mesa. Si betty ay hindi katulad niyang malaki. Maliit lang ito may itim na itim na buhok, makapal ang kilay, payat at may makapal na salamin sa mata. "Mena. Naiinggit ka na naman ba?" biro nito. Liningon niya ang kaibigan. "Hindi naman. Natutuwa lang ako sa kanila, tignan mo kahit hindi ganon kagwapo si boy ay may sexy at maganda siyang girlfriend saman--" "Samantalang ikaw, maganda nga pero sampong beses ng niloko at sinaktan ng mga lalaking walang bayag," pagpapatuloy ng kaibigan sa sinasbi niya. Muli ay napabuga siya ng hangin at napayuko na lang. Totoo 'yon na ilang beses na siyang nabigo. Hindi nga lang yata sampong beses. Wala ni isa sa mga naging nobyo niya ang naging totoo dahil ang iba sa kanila ay kung hindi dahil pinagtri-tripan siya ay nagustuhan lang siya dahil sa pagtitinda niya ng pagkain para makalibre. "Oh. Hindi ka na nakaimik. Alam mo mafren hindi naman kasi itsura ang basehan ng tunay na pag-ibig. Sadyang hindi lang siguro para sa'yo ang mga lalaking dumarating sa buhay mo. Kumbaga hindi pa dumarating ang Mr Right para sa'yo." "Hindi na siguro. Sa laki kong 'to?" aniya sabay tingin sa katawan niyang malaki. "Susmiyo garapon! Dami mo na ngang problema dadag-dagan mo pa? Hindi ka naman ganon kalaki. Ako nga hindin ko na iniisip ang mga bagay na 'yan. Tanggap ko na. Tumayo ka na nga at umuwi na tayo, masyado mo ng kinakawawa ang sarili mo sa mga nakikita mo. Tara na at marami ka pang gagawin." "Oo na po. Tanggap ko na rin naman na wala ng seseryoso sa akin. Tanggap ko na." "Very good." Tumayo ang kaibigan niya, bagot siyang sumunod dito. Nakalimutan niya nga pala marami pa silang ilalako at kailangang maubos 'yon dahil kung hindi ay tatamaan siya sa kaniyang mga tiyahin. Binitbit niya ang basket na naglalaman pa ng natirang lutong pagkain, tira iyon mula sa deliver nila sa mga trabahador mula sa isang construction site na may itinatayong 30 story building. May ilan pang natira idadaan na lang nila ito sa toda sigurado ay mauubos ito doon. Ganito ang hanap buhay niya, siya ang nagtratrabaho para matustusan ang panggamot ng kaniyang lola at gastusin sa kanilang tinitirahan dahil nakikitira lang sila sa kaniyang mga tiyahin. Lumaki siyang walang mga magulang, naiwan siya sa pangangalaga ng kaniyang lola. Maliit pa siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina para sumama sa ibang lalaki, ang ama naman niya ay hindi niya na nakilala isa raw itong amerikanong sundalo na nakilala ng mama niya sa Olongapo noong nagtratrabaho ito doon bilang waitress "Saan na tayo niyan Mena?" "Daan tayo kila mang Isko sa toda. Sa kanila na lang natin ilako itong natira. Kumuha ka na rin ng pang ulam niyo mamayang magkakapatid," tugon niya. Nag-umpisa na silang maglakad papuntang sakayan. "Sige, salamat. Uyyy! Mena. Nakita mo ba 'yung mamang gwapo na nakaupo? Kanina pa tingin ng tingin sa atin 'yan, imposible namang mang dedenggoy 'yan, e. Kagwapo at mukang yayamanin, o baka type tayo?" mahinang sabi ni Betty. Hinanap niya ang taong sinasabi nito. Ayon nga at nakita niya ang isang matikas, gwapo at malaking lalaki na nakatingin nga sa kanila. Muka itong banyaga, napaka-perpekto ng itsura nito mukang modelo. Animoy hinugot ito sa cover ng isang mens magazine. "Baliw! Sa itsura niyan magkakagusto sa atin? Kalokohan. Baka naaliw lang sa itsura natin," pahagikgik niyang tugon. "Kung sa bagay. May point ka diyan. Makakita ba naman ng mukang timang at amazona tulad natin dito sa city. Wala siguro sa bansa nila no!?" "Huwag mo ng tignan baka sabihin interesado tayo sa kanya. Nakakahiya," aniya. Nagtawanan lang sila ni Betty, bahagya siyang naasiwa ng dumaan sila sa tapat ng lalaki. Hindi na lang sila nagpahalata. Nang malampasan nila ito ay nagulat pa sila ng biglang sumulpot ito sa harapan nila ni Betty. Napahawak tuloy siya sa braso ng kaibigan. "Excuse me." Sabi ng baritonong boses ng lalaki. Napatingala siya dahil napakatangkad pala nito gaya ng inakala niya kanina. Sa tantiya niya ay nasa 6'5 ito dahil sa tangkad niyang 5'8 ay nakatingala pa siya. Pasimple niyang binistahan ang itsura nito sa suot na all black. Batak na batak ang katawan nito marahil sa pag-gi-gym Ang muka ay parang sa mga makikita sa mga Hollywood actor tulad nila Henry Cavil. Napaka perpekto. Napalunok siya bago nagsalita. "Y-yes?" tanong niya. Naasiwa pa siya dahil titig na titig ito sa kaniya, hindi niya maintindihan ang nakikita niya sa mga mata nito. Para itong nanabik sa kaniya? "Can I talk to you for a while?" Gusto niyang mapakamot sa ulo. Mukang dudugo yata ang ilong niya dito. Napahawak siya sa kamay ni Betty na nakahawak sa kaniyang braso. Hindi siya natatakot o nahihiya sa lalaki pero kailangan niya ang tulong ng kaibigan dahil marunong ito sa Englisan. Kung siya naman kasi ay kaunti lang ang alam sa salitang banyaga. Nakuha naman nito ang nais niya. "Yes, Sir? May I know how can she help you?" tanong ni Betty. Napabaling ang tingin ng lalaki kay Betty. "I just want to talk to her for a very important matter. By the way. I'm Nosek," seryosong sabi nito. "Okay. You can tell us what you want to say and I will translate it into Tagalog for her because she can't understand English. Is that, okay with you? Muli ay ibinalik nito ang tingin kay Mena. "Great!" anito. "Make hurry," sabi ni Mena. Kailangan na nilang magmadali at baka gabihin pa sila na bagay na iniiwasan niya dahil panigurado may award ceremony na naman siyang matatanggap sa kaniyang tita Goldie. "Okay, Listen to me. I been waiting and searching for you for how many years. I want you to be my wife, please be my wife and go with me to our planet Deri. There, you will be the queen and the mother of my child the next ruler of my planet." Napakunot ang noo nilang pareho ni Betty, nagtinginan sila at nakuha ng isa't-isa ang mga iniisip nila. Gusto nilang humagalpak sa tawa pero nag-pigil lang sila dahil baka anong gawin nito gayong napakalaking tao. "Ay... Lakas naman man-trip ni kuya. Gusto mong maging asawa ang kaibigan ko? Sorry? Is this a prank? Don't us, sir." pailing-iling pang pahayag ni Betty. "No. I'm not kidding. Nagsasabi ako ng totoo," mabilis na tugon nito. "Shutangninams, nagtatagalog ka pala. Pinapahirapan mo pa kami," hindi niya mapigilang masabi. Napangiti ang lalaki sa sinabi niya. Mas naging gwapo tuloy ito sa kaniyang mga mata. "I am sorry my queen of hearts, maari ka na bang sumama sa akin?" Napamaang siya. Ano tingin nito sa kaniya baraha? Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Naramdaman niya na humigpit ang kapit ni Betty sa kaniyang braso. "Mena... May saltik yata itong si pogi," mahinang sabi ni Betty sa kaniya. Napangiwi siya. "Muka nga. Tara na at baka mahawa pa tayo, sayang pogi pa naman." Muli tinignan nila ang lalaki, base sa muka nito ay muka naman itong totoo at sinsero sa sinasabi. Ang kaso nga lang ay pawang out of this world ang pinagsasabi, marahil nasobrahan na nito ang panonood ng palabas sa tv o 'di kaya ay may problema ito sa pag-iisip at hindi pa napapagamot. Napailing na lang siya. Sino namang matinong tao ang maniniwala sa planeta at reynang sinasabi nito. Hindi pa naman siya fan ng mga ganyang bagay. At isa hindi siya naniniwala na may alien na nakatira sa ibang planeta. Kalokohan ang mga sinasabi nito. "Sorry a, maiwan ka na namin." Akma silang maglalakad nang hawakan siya sa kamay ng lalaki. Para siyang nabato dahil ang mga kamay nito ay maybdalangbkakaiba sa kaniyang pakiramdam mainit ito kumpara sa normal na temperatura ng katawan. Nilalagnat ba ito? "Wait a second! Please, sumama ka na sa akin, ikaw lang ang may kakayahan na magdala sa magiging susunod na hari ng aming planeta," sumamo nito. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya kaya nabahala siya. Pati si Betty ay hindi na rin mapalagay, patingin-tingin na ito sa paligid na akala mo naghahanap ng mahihingian ng saklolo. "Please po Sir. Hindi po ako interesado sa sinasabi niyo. Bitawan nyo na po ako." "Bitawan mo na siya kung hindi ay tatawag ako ng pulis," banta ni Betty. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito pati na rin ang pag-alon ng adams apple nito. Nabahala siya kaya inipon niya ang kaniyang lakas upang bawiin ang braso niyang hawak nito. Hindi ito inaasahan ng lalaki kaya ng bawiin niya ang kamay ay nabitawan siya nito. "Betty! Takbo!" aniya sa kaibigan at saka na sila kumaripas ng takbo. Malaki man ang katawan niya ay mabilis naman siya sa takbuhan kaya hindi na nila namalayan kung saan sila nakarating ni Betty. Hindi na rin naman sumubok na sumunod ang lalaki na ipinagpapasalamat nila. Hingal na hingal silang umupo ni Betty sa isang flower box. "Langya! Kaloka ang mga nagkakagusto sa'yo Mena. Kung hindi lasenggo. Babaero, kriminal, adik. Ngayon naman baliw! Juice miyo garapon, na sa'yo na ang lahat. Lahat ng kamalasan!" hinihingal na sabi ni Betty. Napangiti siya ng mapait. "Wala na talagang pag-asa..." aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD