ALICE POV Ang awkward ng ganito. Kung sasakyan sana ni Jasper ang gamit namin, it would be an entire different story. Ako na ang nagbayad sa driver, 500 nga ang siningil nito but that is just okay kung nairaos namin ang pagpunta dito ng di late. "Oh ayos na pala ang sasakyan ni Jasper!" sabi ni papa. Pagkakuha ko ng sukli galing sa driver ay sinundan ko ang tingin ni papa. Sa likod ng traysikel ay nakita ko ang sasakyan ni Jasper. Sa plate number pa lang ay alam kong sa kanya na ito. Naiinis ako sa lalaking ito, nanti trip ba ito!? Siguro ay gumanti s'ya sa ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Bumaba ng nakangiti si Dan sa loob ng sasakyan. Sa unahan pa nga ito nakaupo eh! Umandar ang kotse ulit ni Jasper at for sure ay maghahanap ito ng lugar na pwedeng parkingan. Lumapit si Dan

