ALICE POV Nang marinig ko ito galing sa bibig ni tita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang confidence ko and I feel so useless, naglaho ang ganda n'ya sa paningin ko. She then left after saying those words, gusto kong magpalamon sa lupa. Sobrang sakit na ma prangka ako ng isang tao na inakala kong tatanggapin ako. Ang pangit ng tingin ko sa sarili ko. Di sumagi sa isipan ko na maririnig ko ang mga salitang iyon galing sa kanyang bibig. Umalis na ito sa harapan namin at bumalik na kami sa pwesto namin. Lahat kami ay naging malungkot sa sinabing iyon ni tita Eunice. Hinawakan ako ni Jasper sa likod ko and he whispered to me. "That's okay, hon. Bawi tayo, hahanap ako ng agency na tumatanggap ng models. Siguro may iba pang company na nakalaan para sayo. Rejection is a

