ALICE POV Paalis na ako ng muli nitong hawakan ang braso ko and this time around ay mas mahigpit na ang pagkakahawak n'ya rito as if ayaw ako nitong pakawalan. "Ano ba ha? Di mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Gusto mo bang ipakulong ka n'ya? Kahit na magkadugo kayo ay di ka n'ya pag bibigyan. Mag isip ka ng maigi Alice, masyado ka pang bata para sa isang matinding pagsubok. Baka nakakalimutan mong isang malaking pader ang babanggain mo, di pa nga yata matatapos ang kaso ay nakakulong ka na. Ito ang masakit na katotohanan kapag wala kang pera. Makinig ka, ibaon na natin ito sa limot at babawi ako sayo, tutulungan kitang makapasok sa model agency ng asawa ko." Nasa mukha ng lalaking ito ang pagtutol sa balak kong gawin. Somehow, he is right, imposible na kampihan ako ng tita ko whom

