KIER VINCENTH's POV 10 years na ang lumipas, at ngayong araw andito kami sa puntod ni mama, nakakatuwang tignan dahil madaming tumubong Daisy flowers sa palibot ng puntod niya. Siguro siya ang mga dilaw na bulaklak na ‘to. "Kier ayaw mo na kumain?” Tanong ni papu sa’kin. "Maya na po papu kausapin ko lang si mama.” tumango siya sa’kin at lumapit naman si papa sa’kin at kay mama. "Anong ikinukwento mo sa mama mo?” Napakamot ako ng batok kasi nakakahiya magdrama sa harap ni papa, binata na ko kaya may mga panahon na ganito talaga ako. "Dun ka muna pa maguusap lang kami ni mama,” ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay saka tumayo at bumalik sa pakikipagkwento kala papu at mamu. Tumingin ako sa puntod ni mama at inalis ang mga kakaunting buhangin sa lapida niya. "Hi ma, kamusta na? Pumop
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


