KNIGHT's POV "Papa gusto ko din pumasok sa school,” masaya niyang tinuro ang TV at nakita ang mga batang na pasok na sa iskwelahan. "Pag nag 5 kana.” tumango siya at muling bumalik sa pagtutok sa TV. Kumunot ang noo ko at binuhat siya papalayo sa TV dahil masyado malapit ang mga mata niya sa telebisyon baka maagang lumabo ang mga ito. Pero mga ilang minuto lang paglingon ko muli na naman siyang nasa harap ng TV at sumasabay sa pagsasayaw ng na papanood niya. Natatawa ako habang ginagaya niya ‘yung pinapanood niya pero hindi pwedeng ganoon ka lapit ang panonood niya, ano kayang gagawin ko? Kung andito si Daisy ano kayang sasabihin niya para mapalayo ang anak namin sa screen? Ah alam ko na! “Kier!” tawag ko sa anak ko at lumingon siya. “Po?” Napastop siya sa pagsasayaw at binuhat

